Ella's POV
Sabi ni Mommy next next week daw kami pupunta ng Enchant World. Meron rin daw school doon, I wonder kung anong itinuturo nila doon. Doon daw kasi kami mag-aaral. Hahanapin pa kasi namin ang memories namin. Nakakaexcite pero nakakalungkot rin kasi..... Iiwanan namin sila.
Hindi naman nila kami kagaya.
Hays. Mawawalay ako kay Apoy. Hindi ko alam kung gaano katagal pero mahirap at masakit malayo sa taong mahal mo. Iyon ang alam ko.
Ang daming nangyari after ng araw na iyon. Nagbreak si Zion and Sandra. Maayos naman ang pakikipagbreak nila sa isa't-isa. Umamin si Sandra na may iba siyang gusto. Hindi nga lang namin alam kung sino. Maganda naman ang samahan ng dalawa pero hindi maiaalis kay Zion ang magselos, nalulungkot ako sa kinahinatnan ng relasyon nila.
Hays, ako kaya ang naging matchmaker nila and at the same time bridge tapos nauwi lang sa wala iyong mga effort ko?! Hays.
After that thing punta naman tayo sa kuya ko. Sobrang naging close naman ako kay Kuya. Maybe he is not part of my past but still he is part of my life. He is the most gwapong kuya I have.
Then nagkaroon ng mga family bondings. Sinusulit na namin ang pagtira namin rito sa mortal world. Mamimiss ko silang lahat. Hays.
Hanggang ngayon nag-iisip pa rin kami kung paano namin sasabihin sa Colorful Death at buong gangster world ang pag-alis namin. Ipapasa ko ang trono kay Tulips. Ang leader ng Satan Flowers at ang rank 3 sa gangster world. Siya ang kanang kamay ko at pinakapinagkakatiwalaan ko ang grupo niya.
Ang grupo niya ang pumapangatlo sa grupo namin kaya sure ako na kaya niyang mamuno. (Refer to Chapter 3)
For King naman ang pinsan naming si Tyron. He is known as Uno. Pumapangapat ang grupo niya na Trios sa Underground City. Ang kanang kamay ni Kuya. Hays. Mamimiss ko ang lahat ng ito.
Ayokong iwanan ang mundo na alam ko. Ayokong iwanan ang pagiging gangster. Hays. Life is Life.
And oo nga pala. Nasa Rank 5 na ang group ni Apoy o ang Colorful Death. Lagi silang nagkikipaglaban sa Arena para tumaas. Kaya lagi silang busy at minsan na lang namin sila makita.
About naman sa pagiging boyfriend sa akin ni Apoy. Wala pa kaming napag-uusapan. Ang gusto niya kasi ay kusang bumalik ang mga ala-ala ko pero, hays. Wala pa ring bumabalik eh. May mga nakikita ako pero hindi ko sila maaninag.
Last time nga nakita ko ang isang babae na umiiyak sa isang batang babae tapos may lumitaw na lalaki sa likuran niya. Hays. Hindi malinaw ang nga nakikita ko ganoon na rin ang mga detalye.
"Pwede bang mag-usap tayong lahat mamaya?" Tanong ni Xandra sa amin. I just nod. Nandito kami sa garden ng school. And naging magkakaibigan na rin pala kaming lahat. Magaan ang loob namin sa kanila eh.
Ano kaya ang pag-uusapan naming lahat? They look like serious eh. Sana naman hindi bad news iyan.
"Why so boring?" Saad ni Liana. Boring nga talaga.
"Hey baby let's go to our dorm. It's not boring in there." Pang-aasar ni Jake.
"Stop that baby thingy. Wanna die?" Banas na banas na saad ni Liana.
"Nah. Yeah boring nga. " Saad ni Jake at sumandal na lang ulit sa puno. Psh. Under ang huta.
Tumayo ako at umakyat sa puno. Don't worry naka leggings ako ngayon.
Habang nandito ako sa itaas pinagmamasdan ko ang lahat. Ang Morrison Academy, ang mga gangsters, ang mga guro, ang mga kaibigan ko na maiiwan namin.
*sigh*
Hindi ko ata kakayaning iwan ang lugar na ito. Hindi man ito ang mundo ko pero ito ang bagay na gusto ko at gugustuhin kong gawin. Nakamit ko nga ang korona ng reyna ngunit iiwanan at ibibigay ko rin pala ito sa iba. Alam ko na wala na akong magagawa. Gusto kong mahanap ang mga tunay kong magulang. Gusto ko maalala ang lahat. Gusto kong malaman lahat ng mga nangyari at bakit kami naririto ngayon. Pilit akong binabagabag ng mga imahe na nakikita ko. Gusto kong malaman ang lahat, simula umpisa hanggang wakas.
Ang dami kong gustong itanong sa kanila pero magagawa ko lang iyon kapag nagkita na kami. Iyong buhok ko din. I thought it's color white pero violet pala talaga. Mom just change it. She loves white eh. Hindi na ako magagalit. Mom... Dad.... hindi ko sila kayang iwanan rito. Ayoko silang iwan. Hindi ko sila gustong iwanan para lang makita ang true parents ko.
Naghihinala rin ako sa biglaang pagpapalipat nila sa amin bg school and the fact na sa ibang mundo or dimension pa iyon. Malakas ang got feeling ko na may mangyayari....... Na hindi maganda.
Alam kong marami silang ginagawa, maraming works at ang pagpapatakbo pa sa mafia namin pero hindi ako makampante na iiwanan namin sila. Mayroong kung ano sa loob ko na nagsasabi na mayroong mangyayaring masama kapag naiwan sila. Hays. Sana naman nagkakamali ako. Ang ganda ng tanawin rito sa taas. Ano kaya ang tanawin roon sa Enchant World? Sigurado akong magical dahil mayroon kaming magic. Haha. Tss.
"Hiyas." Pagtawag sa akin ni Apoy sabay yakap mula sa likuran ko. Nasesense ko na may problema. Nasesense ko na may hindi magandang mangyayari. Sana mali ako. Nandito kami ngayon sa school grounds.
"Mahal kita." Saad niya. Hindi ko alam kung anong status namin nitong Jade na ito basta ang alam ko lang ay nagmamahalan kami. Hays. Wala ata siyang balak manligaw. Feeling niya ata kami na agad. Psh. The hell. Pero he keeps on saying na I'm his fiance. Shit lang. Kakilig.
Jade's POV
"Mahal din kita apoy." Sagot niya at niyakap ako, tumugon naman ako sa yakap niya. Hays. Nahihirapan ako. Gusto ko siyang isama sa pagbabalik pero hindi pa raw muna pu-pwede.
Flashback
Nandito kami ngayon sa kwarto ko habang napaliligiran kami ng mga barriers para walang makakita at makarinig sa amin.
"Tumawag si H.M kanina through phone! Hanep. High-tech na ang M.A!" Namamanghang saad ni Irene.
"What did he say?" Tanong ni Jake sa kaniya.
"Bad News." Lumukot naman bigla ang mukha ni Irene. What's with the sudden change of mood? Bipolar Tss.
"Kailangan raw nating bumalik sa Academy. May nararamdaman raw silang matinding panganib." Seryosong saad nito.
"Oh. Anong bad news doon? Hindi ba masaya kasi babalik na tayo? Atsaka baka sa pagbalik natin makaalala na sina Yzada. "
"The bad news is hindi muna raw natin pwedeng isama sina Yzada. I ask him why but he just said na basta. " sagot ni Irene kay Azul.
End of Flashback
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Baka kasi masaktan siya. Pinapangako ko naman na babalik at babalik ako para sa kaniya.
"Kyle. Tawagin mo na sila." saad ko nah, more on utos ko kay Kyle.
"Sige. "
"Tungkol ba saan iyan Apoy? " pagtatanong ni Hiyas sa akin. Ngumiti ako ng pilit. Ayokong ipahalata ang lungkot sa mata ko.
"Malalaman mo rin. "
dreamhope_s
![](https://img.wattpad.com/cover/149601532-288-k373977.jpg)
YOU ARE READING
MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)
FantasyMAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESSES (BOOK 2) Enchant World: Zanaira has discovered who she is. Jade Yzada Slytherin is her name. A demigod who has somehow passed away, along with her friends' disappearance. She had found herself, but she had al...