Chapter 21 - JOURNEY

2.5K 112 1
                                    


Yko's POV

"Mag-iingat kayo." saad ni Tito Yvo habang maypawave hands pang nalalaman. Kumaway naman ang mga babae and si Kyle rin then the rest tinanguan namin siya.

Sumakay na rin kami sa mga chariots ng academy na nakapark dito sa mismong gitna ng academy at nagpaalam sa bawat isa. Hindi alam ng mga pa.ilya namin na pauwi na kami at balak namin silang sorpresahin.

Inalalayan namin sina Zada and Irene paakyat at pumasok na rin kami nila B.I.L, Jeff, Yvan, at ako. Katabi ni Zada sina B.I.L and sa kaliwa then sa harap nila ay si Kris and Irene kami naman ni Yvan sa harap nila.

"Miss mo na si Kirra noh?" pang-aasar ko kay Jeff. Humarap naman ako kay Yvan.

"Miss mo na rin si Amber noh?" pang-aasar ko rin sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Hays. Buti na lang wala akong lovelife." saad ko at nagdekwatrong panglalaki.

"Walang lovelife ka diyan. Eh kung makahabol kay Ate Celena wagas." nangtutukosong saad ni Yvan sa akin. Siya naman ang sinamaan ko ng tingin. Tss.

Hays, kung hindi lang sana pakipot si Celena na ate ni Cassy edi sana meron rin ako. Pero ramdam ko naman na gusto niya ako kaya wala akong dapat na ipagalala.

Cassy's POV

"May kapatid ba ako?" tanong ko kay Matt. Katabi ko ngayon si Matt and sa likuran namin ay si Zion and Azul na nakatulog sa balikat ng isa' isa.

"Ah, Oo nga pala. Oo meron. Celena ang pangalan niya and 5 years older sayo." napatango na lang ako sa sinagot niya.

"Matatangap kaya nila ako? Mabait ba sila?" may pagaalalang tanong ko sa kaniya. Baka masi alam niyo na hindi kami in good terms ng family ko. Hinawakan niya naman ang mga kamay ko at hinarap niya ako sa kaniya, hinawakan niya naman ang mga pisngi ko.

"Cas, mabait sila because your a loving daughter to them. Kung iniisip mo na hindi kayo in good terms ng family mo ay mali ka. Kabaligtaran niyan ang iniisip mo." saad niya sa akin at ngumiti. Ginantihan ko rin siya ng isang ngiti at hinalikan niya ako sa tuktuk ng noo.

"Matulog ka muna. Malayo layo pa ang biyahe natin sa kaharian niyo." tinignan ko naman siya at hinalikan sa labi.

"Salamat. Salamat kasi nandiyan ka sa tabi mo kahit wala akong maalala." sinserong saad ko sa kaniya. Hinalikan niya naman ako sa labi bilang ganti. A passionate one.

"Hindi ka dapat magpasalamat dahil ginusto kong samahan ang mahal ko eh kahit na hindi niya ako maalala. Ako nga ang dapat na magpasalamat kasi kahit na wala kang maalala, kahit hindi ako maalala ng isip mo ako pa rin ang laman ng puso mo." niyakap ko naman siya sa sinabi niya. Mahal na mahal kita Matt. Sana makaalala na ako, hindi ko kasi kayang magmahal ng buo hangga't hindi ako nabubuo Matt.

Amber's POV

Nandito kami sa chariot ng academy. Napagplanuhan namin na una naming pupuntahan ang Green Kingdom kasi iyon ang pinakalapit then sunod ang Light Kingdom na kaharian daw namin.

Kasama namin si Kirra na guardian namin. Tapos mawawala ba si Aysha? And si Kyle na katabi niya tss. Nandiyan rin si Xandra with the boyfie. Kami lang dalawa ni Kirra ang walang kasama dito. Hays. Namimiss ko na si Jake ko at sigurado ako na namimis na ni Kirra si Yron.

Napasilip naman ako doon sa likuran. Tss. Edi sila na ang may kalandian. Hays. Sumilip naman ako sa bintana ng sinasakyan naming chariot. Ang ganda ng paligid. Ang daming mga kabahayan at halos greek style ang lahat. Sa di-kalayuan ay may natatanaw akong kaharian na purong berde ang paligid. Iyan na siguro ang Green Kingdom. Ang ganda naman.

Napahawak ako sa aking ulo ng biglamg sumakit ito. May mga imahe akong nakikita pero malabo.

'Ate Amber! Tara puntahan natin si Aysha!'

'Sige sandali lang'

'Ang ganda naman dito!'

'Nakakasawa na sa palasyo puro yellow na kumikinang.'

'Oo nga, buti pa dito, maaliwalas, refreshing and green.'

'Nilait niyo pa ang palasyo niyo hahaha. Tara sa bayan! Ibibili ko kayo ng kwintas.'

'Sige ba. Ate tara na!"

Sino ang mga iyon? Bakit ang labo? Sigurado akong memorya ko iyon dahil may Amber. Hays. Gusto ko ng makaalala. Feel ko kasi may kulang. Isang napakalaking kulang sa pagkatao ko.

Aysha's POV

Halatang halata mo ang pagkaburyo nina Kirra pati Amber sa amin. Hahaha.

Naagaw ng tingin ko ang tanawin sa labas kaya lumapit ako sa bintana. Greek style houses with floral theme outside. Familiar. This street or whatever is familiar on me. I'm sure of that. Pero isa lang ang nakakuha ng atensiyon ko. Ang kulay berdeng kastilyo doon sa malayo. Napakapamilyar. Tila ba nakauwi na ako.

Habang tinatanaw ko ito ay halo halong emosiyon ang nararamdaman ako. Ilang taon nga ba akong walang maalala? I think its been 2 years. 2 years na inakalang patay na kami.

Iyon na ba iyon? Iyon na kaya ang tahanan ko? Hindi ko man maalala ngunit kakaibang galak naman ang binibigay sa akin nito.

Yzada's POV

Nandito ako sa langit. Charot lang. Pero hindi ako nagbibiro. Nasa langit daw kasi ang kaharian namin, maging ang kaharian nina Kyle, Cassy, Zach, and My Apoy. Oo. My talaga. Nanditonga pala ako sa tabi ni Jade at nakasandal sa balikat niya habang tinatanaw ang tila walang katapusang ulap.

Hawak namin ang kamay ng isa't isa. Habang nakatanaw ako sa labas ay may nakita akong kaharian sa malayo. Ramdam ko na hindi sa amin ito. Kulay pula eh at may... apoy. Napaharap naman ako kay Apoy ng may malaking ngiti.

"Apoy! Kaharian niyo ba iyon?"

"Oo." kulang na lang magningning ang mata ko sa sagot niya. Muli akong napasilio sa bintana. Nais kong pumunta roon.

"Makakapunta ka rin diyan kapag may oras tayo. Pangako iyan." saad niya kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya at mas lalong napangiti.

"Pangako mo iyan ah!" at tumango naman siya. Sa hindi kalayuan ay may naaninag akong isang nababalot sa kulay ginto, lilac, at puti ang palasyong iyon. Napakapamilyar. Parang nanggaling na ako doon.

"Iyon naman ang kaharian niyo." turo ni Apoy sa kahariang nababalutan ng ginto, lilac, at puti. Sabi ko na nga ba kaya pala napakapamilyar. Naalala ko naman ni Violet. Ang anak namin ni Apoy. Ano kayang itsura niya? Mabait kaya siya? Mana kaya siya sa akin? Napangiti ako sa kaisipang iyin at muling tumitig sa kaharian na ngayo'y nasa harap na namin. Pangako, pipilitin kong makaalala para sa iyon anak, para sa mga magulang ko, sa mga kapatid, sa mga kaibigan, at para sayo Apoy ko.


dreamhope_s

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now