Jade's POVAyokong iwanan si Hiyas dito. Bakit ba kasi hindi siya pwedeng sumama? Sila? Bakit hindi pa sila pwedeng bumalik?! Si HM talaga kairita.
2 months na ang nakalipas simula ng makapasok kami sa school na to. 8 months na kaming naririto sa Mortal World at 8 months na rin kaming hindi naaalala ni Hiyas, 2 years na magmula noong nawala siya, para naman sa mga Enchanters 2 years na siyang patay o nawawala. Ang bilis pa lang lumipas ng panahon. Hindi ko man lang siya nabati ng kaarawan niya last year dahil nga sa wala pa naman siya noon. Hindi niya rin nabati si Violet noong kaarawan niya. Hays. 6 years old na ngayon ang baby namin.
Nandito ako sa kwarto ko at naghahanda kami ng sasabihin sa kanila kung saan kami pupunta. Sinabi rin kasi sa amin ni HM na huwag naming ipaalam muna sa kanila ang mundo namin dahil hindi pa raw kami nakakasiguro. Pero ako sigurado na ako. Imposible naman na ibang tao ang kaharap ko ngayon dahil tumitibok pa rin ang puso ko kapag lumalapit siya. Nandito pa rin 'yung kakaibang feeling ko sa kaniya. Dahil alam ko na siya na nga 'yon.
"Hays. Ayoko pang bumalik. Si Bestfriend Isha kasi eh. Sama na kasi natin sila hindi ba sila naman 'yung sinasabi niyong malapit sa inyo na nawala? Bakit hindi na lang natin sila isama? -3- Si Kris bebe ko rin maiiwan natin!" Itong Irene talaga na 'to napaka short tempered.
"We can't just defy what was said to us Irene. It's HM Yvo, not just normal enchanter but an abnormal one." sagot naman ni Xandra kay Irene.
"Kung nandito lang si HM, lagot kayong dalawa sa kaniya lalo ka na babe." Zach is right. Tawagin ba naman daw abnormal si HM.
"Eh kasi naman babe eh, napaka-abnormal talaga niya eh." saad ni Xandra at nagpout pa. Eww. Duck. Joke lang.
"Don't pout babe, I might kiss you." inirapan niya lang si Zach.
"I miss my best friend." sabi ko na nga ba at bibigay rin 'tong si Zach sa amin. Ilang gabi ko na kasi siyang nakikitang umiiyak at tinatago niya lang pala sa amin ang pagkamiss at pag-aalala niya sa best friend niya. Zach is Zach as always. Sinasarili niya lahat ng problema.
"Let's just hope na sana maalala na nila tayo. I miss my sister too. Nakakalungkot lalo na ng malaman ko na only child pala siya dito. Nakakalungkot na 'yun ang alam nila. Kahit naman lagi kaming nag-aaway ni Amber I still love her." saad ni Xandra.
"Stop the drama. Mag-impake na kayo. Magpapaalam pa tayo sa kanila." singit ni Kyle at lumabas na ng kwarto ko.
****
"Kailan ang balik niyo?" Hiyas ask.
"We don't know yet. I promise babalik kami." nakita ko naman siya na tumango habang nakayuko. Hinawakan ko ang baba niya at iniangat ang mukha niya. Hays. Nasasaktan ako sa nakikita ko.
"Don't be sad Hiyas. I promise, babalik ako ng mas maaga ok? Cheer Up. Mahal kita kaya babalikan kita."
"It's not that Apoy. Baka kasi sa pagbalik niyo eh wala na kayong balikan." Huh? I don't get it.
"Bakit naman wala?" Shit. Kinakabahan ako.
"Lilipat kami ng school and the fact na sobrang layo. Doon na rin siguro kami pansamantalang titira." malungkot pa rin siya.
"Saan ba 'yun? Para sa pagbalik namin eh mapuntahan namin kayo."
"Kagaya niyo, hindi rin namin pwedeng sabihin kung saan. Just trust me ok? I still have your number and we love each other. I will hold on to that. I love you." saad niya at hinawakan ang mga kamay ko. Idinikit ko naman ang noo ko sa kaniya. Gaano man kalayo ang pupuntahan nila, mahahanap ko pa rin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/149601532-288-k373977.jpg)
YOU ARE READING
MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)
FantasíaMAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESSES (BOOK 2) Enchant World: Zanaira has discovered who she is. Jade Yzada Slytherin is her name. A demigod who has somehow passed away, along with her friends' disappearance. She had found herself, but she had al...