“Naku, paano ka na?” Sa halip na ang sarili ang alalahanin ay si Matthew ang inaalala ni Lirio pagkatapos sabihin nito na hindi na mababawi pa ang pagpapakasal nila.
Tumawa ito sa nakitang pag-aalala niya. “Anong paano ako? Ang suwerte ko nga dahil hindi na ako mahihirapan na ligawan ka. Kasal na tayo.”
Napangiti na rin siya. Nagbibigay ng tuwa at kilig sa kanya ang ganoong statement ni Matthew. Gusto nga yata talaga siyang pakasalan nito. “Kung hindi ba, liligawan mo ako?”
Huminga ito at ngumiti nang alanganin. “Hindi ko alam. I mean, kung hindi nangyari ang mga nangyari, baka nasa Manila ka na ngayon at hindi na tayo magkita pa. Hindi ka siguro mapapatira dito. Hindi kita makikilala. But then, fate intervened. Maybe this is really destined to happen to us.”
“Ang totoo, nalilito ako at nabibilisan sa takbo ng mga pangyayari.” Kahit pa nga alam niya sa sarili na naroon na siya sa punto na mahal na niya ito.
“Ako rin naman. Pero nandito na tayo. I’m ready to work things out. Gusto ko lang malaman kung payag ka.”
Ready to work things out. So, pag-aaralan pa lang siya na mahalin ni Matthew. Medyo nadismaya siya. Pero ano nga ba ang dapat niyang asahan? Theirs was not the usual kind of boy-girl relationship. Basta na lang sila itinulak ng pagkakataon sa isa't isa. “Hindi ako mayaman na katulad mo. Wala akong maipagmamalaki na kahit ano—”
“Sshh, don’t say that,” sabi nito kasabay ng paglapat ng isang daliri sa kanyang bibig. “I like you. And if saying ‘I love you’ is yet too serious for me to declare, I guess, at least, I can honestly say I want us to stay together for as long as it takes.”
For as long as it takes... Paano kung magsawa na ito sa kanya? Would he discard her like a soiled garment? “Ito na ba talaga ang gusto mo?”
Bahagyang yumuko ito hanggang sa magtagpo ang kanilang mga mata. “Honestly, gusto ko ang mga nangyayari sa atin ngayon.”
“Pero paano kapag nagkaroon na ng mga problema? Alam mo na, 'yong kapag nakakita ka ng mga bagay na hindi mo gusto sa akin. Kapag nagsimula na tayong magtalo. Paano kapag nagsawa ka na sa akin?”
Nakangiting pinisil nito ang baba niya. “You know what? Ang tagal kong nag-e-exist lang sa isang walang kuwentang phase of existence. Gusto kong makalabas doon pero hindi ako lumalabas kahit kaya ko naman. Suddenly, dumating ka. Hindi nga lang maganda ang unang meeting natin dahil nabundol kita. Natakot ako no’ng una na baka napinsala kita. Mabuti na nga lang at wala namang nangyaring grabe sa 'yo.
“Habang nasa States ako, iniisip ko kung paano ang gagawin ko sa 'yo. Akala ko, gusto ko lang malagay ka sa maayos para wala na akong iintindihing responsibilidad sa 'yo. Pero pagbalik ko ay nakita kong narito ka pa rin, na hindi ka galit sa akin dahil sa mga nangyari. In fact, nagtiyaga ka na pakinggan ang kadramahan ng buhay ko. I could sense sincere concern from you.
“Na-realize ko tuloy, sa kabila ng mga pangi na ugali ko, naging mabuti pa rin ang pakikitungo mo sa akin. Maliban sa mga kapatid ko, walang ibang taong naging malapit sa akin. Dahil wala naman talaga akong malapit na kaibigan. Kahit sa business partner ko, I’ve maintained some distance.
“When you came along, I just found myself coming out from that dark phase of my life. Kaya nga hindi kita pinayagan na umalis kaagad noon. Pakiramdam ko, hawak mo ang isang lifeline ko at maglalaho na lang 'yon kapag umalis ka. I could feel I was given another chance to discover happiness again... with you. And I decided I won’t pass up on that chance. Kaya nga makikiusap ako ngayon sa 'yo, let’s try to work this marriage out. Sabi mo, wala ka namang boyfriend. Mapagtitiyagaan mo ba na makisama sa isang katulad ko bilang asawa mo?”
BINABASA MO ANG
Braveheart 13 Matthew Ocampo (Coldhearted Hero) COMPLETED
RomansaPhr Book Imprint Published In 2007 "When you came along... I could feel I Was given another chance to discover happiness again... And I won't pass up on that chance." Nalukot ang noo ni Matthew nang sabihin ni Lirio na hindi na siya puwedeng bumalik...