Nakatulog nga nang mahimbing si Lirio sa buong magdamag. Diretsong siyam na oras ang tulog niya. Kaya masigla na ang pakiramdam niya kinaumagahan. Nang makapaligo ay inihanda rin niya ang isusuot ni Matthew sa ibabaw ng kama. Hindi nagtagal at kinatok siya nito.
“Did you have a good sleep?” tanong kaagad nito.
“Oo, salamat. Saan ka nga pala natulog?”
“Sa kuwarto mo. But don’t worry, wala namang nakakita sa akin nang pumasok ako doon. Hindi tayo matatanong nina Mommy sa sleeping arrangement natin.”
Tumango lang siya rito. “Ipinaghanda na kita ng isusuot mo. Pakitingin na lang kung 'yon nga ang gusto mong isuot.”
Saglit na tumitig ito sa kanya bago tiningnan ang mga damit na nakalatag sa kama. Tumango ito kapagkuwan at nagtungo na sa banyo.
Bumaba siya sa kusina. Ihahanda niya ang almusal nila. Gagampanan niya ang kanyang bagong role ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Hindi dahil kailangan nilang pangatawanan sa harap ng mga magulang ni Matthew ang ginawa nilang pagpapakasal, kundi dahil gusto niyang gawin iyon.
Nagluluto na ng almusal si Mila nang marating niya ang kusina. Siya na lamang ang gumawa ng mga pagkaing hindi pa naihahanda nito. Siya na rin ang naghain sa komedor. Mayamaya pa ay bumaba na roon si Matthew kasunod ng mga magulang nito.
Hindi na siya nagulat nang paglapit nito ay hinalikan siya nito sa sentido. “Honey, what’s for breakfast?”
“'Yong favorite mong beef tapa na may kamatis at pipino. Nagluto rin si Mila ng bacon at omelette.” Nasa States pa lamang noon si Matthew ay naitanong na niya kay Mila kung anu-ano ang mga paboritong pagkain nito.
“Great. But I’ll pass on the bacon. Gusto kong tikman ang beef tapa ng honey ko,” nakangiting sabi pa nito.
How she wished na totoo ang ngiting iyon at hindi lamang dahil kailangang umarte nito sa harap ng mga magulang nito.
Ipinagtimpla niya ito ng kape. Habang kumakain sila ay manaka-nakang sinusubuan pa siya nito. Tahimik naman ang mag-asawa na tila nakikiramdam sa kanila.
“What do you think about an early dip at the lake?” tanong sa kanya ni Matthew mayamaya.
Gusto rin niya iyon ngunit ayaw muna niyang lumayo sila. Ewan ba niya, nawiwili na siya sa drama nila ni Matthew. Dahil kung lalayo sila sa paningin ng mga magulang nito ay tiyak na mawawala na ang ipinakikitang sweetness nito sa kanya. “Sobrang init na mamaya. Hindi tayo makakapagbabad nang husto. Sa falls na lang tayo. Next time na lang sa lake kapag maaga tayong umalis dito.”
Nagkibit-balikat ito. “You’re the boss.”“Hindi ba kayo magha-honeymoon sa ibang lugar?” tanong ng ama nito sa kanila.
“We will, Dad. Sa makalawa kami aalis. Sa Baguio na lang muna siguro. Hindi ko pa natatawagan ang travel agent ko. Pag-uusapan muna namin ni Lirio kung saan namin gustong pumunta.”
Hindi niya alam na may balak pala itong magtungo sila sa Baguio. Wala namang sinasabi ito sa kanya. Ngunit sa palagay niya nababagot na ito sa Lokuake dahil sa presensiya ng mga magulang, partikular sa ama nito.
“Aba, bakit naman hindi pa ninyo napag-usapan ang tungkol diyan, eh, kasal na kayo?” singit ng ina nito.
“Wala pa sana kaming balak na magpakasal, 'di ba? Pinilit n’yo lang kami.”
Isa man sa kanila ay hindi nakapag-react sa sinabing iyon ni Matthew.
“ALAM mo ba kung ano ang naiisip ko kapag nakakakita ako ng nagsasaranggola?”

BINABASA MO ANG
Braveheart 13 Matthew Ocampo (Coldhearted Hero) COMPLETED
RomansPhr Book Imprint Published In 2007 "When you came along... I could feel I Was given another chance to discover happiness again... And I won't pass up on that chance." Nalukot ang noo ni Matthew nang sabihin ni Lirio na hindi na siya puwedeng bumalik...