Palakad-lakad si Lirio sa kanyang silid. Mula nang maghapunan sila ay hindi na siya mapakali. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Matthew. Bakit parang lalo pang iminali nito ang paniniwala ng mga magulang nito tungkol sa kanila? Talaga bang gusto nitong lalong sumama ang imahInalisga magulang?
Hindi tuloy niya alam kung paanong paliwanag ang gagawin sa mag-asawa. Baka pagdudahan lang ng mga ito ang katapatan niya.
Isa pa, paalis na siya bukas. Paano niya iiwan si Matthew sa ganoong sitwasyon nito kay Don Enrico? Kahit naman paano may malasakit siya rito. Gusto niyang makita na magkaayos na ang mag-ama. Ayaw niyang umalis nang wala man lang gumaling sa mga sakit ng loob na dala-dala pa rin nito pagkatapos ng, ayon nga rito, marami nang mga taon.
Nang mapagod ay nahiga na lang siya. Ayaw siyang dalawin ng antok. Nang hindi makatiis lumabas siya ng silid. Mapapalagay lang siguro siya kung magkakausap sila ni Matthew at masasabi rito ang mga bagay na nasa isip niya. Pinuntahan niya ang lalaki sa silid nito.
Isang katok lang niya ay nagbukas na ito ng pinto. “Puwede ba tayong mag-usap?” aniya.
Ibinukas nito nang maluwang ang pinto. “Halika, pasok ka.”
Siya na ang kumabig pasara sa pinto nang makapasok sa loob. Hindi nga lang niya inilapat. Silid pa rin iyon ng lalaki at siya naman ay dalaga. Baka kung may makaalam na nagkukulong sila roon ni Matthew mapag-isipan sila ng hindi maganda at lumala pa ang sitwasyon. Gusto lang niyang umayos ang lahat, hindi ang magdagdag pa sa kaguluhan.
“Puwede bang sa labas na lang tayo mag-usap?” hiling niya rito. Naroon pa rin siya sa malapit sa pinto. Naaasiwa kasi siya. Hubad-baro si Matthew. Pajama bottom lang ang suot nito.
“Ano naman ang problema kung dito tayo mag-usap? Wala naman akong balak na gawin sa 'yo ang ginawa ng stepfather mo.”
Medyo na-offend siya sa kaprangkahan nito. Mukhang nasa bad mood ang lalaki pagkatapos ng sinabi sa kanila ng ina nito. Nanatili na lang siya sa kinatatayuan. “Bakit mo sinabi ang sinabi mo kanina sa mommy mo?”
“Sinabi ko lang ang ine-expect nilang marinig.”
“Pero hindi 'yon totoo.”
Ikinibit lang nito ang mga balikat.
“Aalis na ako bukas...”
“So?”
Muli, nasaktan na naman siya sa parang walang pakialam na tono nito. “Gusto ko pa ring ituwid ang maling akala ng parents mo.”
“Ano pa ba ang magiging pakialam mo kahit hindi na mabago pa ang akala nilang may relasyon tayo? Sabi mo nga, aalis ka na. Kung hindi ka na nila makikita dito, katagalan, mamamatay na lang ang issue.”
“At gano’n na lang ba? Hahayaan mo na isipin nila na gumawa ka na naman ng kapalpakan sa buhay mo? Hahayaan mong habang-buhay na maging pangit ang tingin sa 'yo ng daddy mo?”
“Bakit ka ba concerned sa akin? Ano ba ang pakialam mo? Ano ba kita, ha, Lirio?”
Nasaktan uli siya. Hindi siya makapaniwala sa kalamigan ng tono nito. Parang sa isang iglap lang bumalik ito sa dati. Parang naglaho na lang at sukat ang unti-unting pagbabago nito nang nakaraang mga araw. “A-akala ko, kaibigan na ang turing mo sa akin?” aniyang hindi napigilang pumiyok sa puntong iyon.
“Goodness, Lirio, huwag mo akong iyakan!”
Napatalikod siya sa nakitang pagkayamot nito. Pilit na pinigil niya ang mapabulalas ng iyak pero lalong nag-unahan na malaglag ang mga luha niya. Iniunat niya ang isang kamay para kapain ang doorknob ngunit mabilis na nakalapit si Matthew sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/149211347-288-k969164.jpg)
BINABASA MO ANG
Braveheart 13 Matthew Ocampo (Coldhearted Hero) COMPLETED
RomansaPhr Book Imprint Published In 2007 "When you came along... I could feel I Was given another chance to discover happiness again... And I won't pass up on that chance." Nalukot ang noo ni Matthew nang sabihin ni Lirio na hindi na siya puwedeng bumalik...