“Paborito ng magkapatid ang barbecue kaya kung may panahon din lang ako, gumagawa talaga ako nito,” imporma ni Fatima kay Lirio kinabukasan. Hindi ito pumasok sa pinagtuturuang kolehiyo. Wala raw itong klase sa araw na iyon. Kaya nang yayain siya nito na gumawa sila ng barbecue ay pumayag kaagad siya.
“Kasama rin ba ang barbecue sa specialty ng restaurant ninyo?”
“Hindi pa. Pero may mga grilled pork at grilled seafoods din kami. Sa weekend, isasama ka namin doon ni Binny. Para maiba naman ang atmosphere mo. Lagi ka na lang nakakulong dito sa bahay.” Ayon dito ay may tatlong restaurants ang mga ito sa Lokuake at sa dalawa pang karatig-bayan.
Ngumiti lang siya. Hindi pa nito alam na kaya siya hindi lumalabas ng bahay ay dahil sa pangambang baka makita siya ng Tiyo Antero niya.
“Alam mo, natutuwa kaming mag-asawa sa pagbabago na nakikita namin kay Matthew. Mula kasi nang mapunta ka rito, nawala ang pagiging masungit niya. Nakikita ko din na ngumingiti na siya ngayon. Samantalang dati, parang walang kabuhay-buhay ang isang 'yon.”
Kakaiba ang kislap ng mga mata ni Fatima habang sinasabi iyon. Parang nangrereto ito. Ipinagkibit-balikat lang iyon ni Lirio. Kahit nga iyong mapansin lang siya ni Matthew parang imposible na, iyon pa kayang maging dahilan siya ng pagbabago ng ugali nito? “Pero sa palagay ko, hindi siya nagbago dahil napunta ako dito. Noong nasa ospital pa lang ako, pinagsusungitan din niya ako. Nagkaganyan lang siya mula nang manggaling siya sa States. 'Yon siguro ang mas tama.”
“Whatever. Naniniwala pa rin ako na may naitulong ka sa pagbabago na nakikita ko sa kanya.”
“Noon bang bago siya mag-asawa, ganyan na siya?”
“Hindi ko pa siya kilala noon. Pero ang sabi sa akin ni Binny, likas daw na introvert si Matthew. Mas gusto daw na laging mag-isa. Secretive daw kahit noon pa. Pero hindi naman daw masungit si Matthew noon. Napakalaki nga daw ng ipinagbago nito nang magkaasawa. Lalo na noong makipag-divorce.”
“Sana hindi siya mag-stay na ganoon. Kailangan din ng anak niya ng isang kompletong pamilya.”
“Ikaw ba, Lirio, halimbawa na tulad ni Matthew ang manliligaw sa 'yo, magagawa mo ba siyang mahalin?”
Natawa na siya. Hayagan na talaga ang pangrereto nito sa bayaw para sa kanya. “Well, habang buhay ang tao, may pag-asa, 'di ba? Mahirap naman na sabihin kong hindi. Baka subukin ako ng Diyos.”
Maluwang ang naging ngiti sa kanya ni Fatima.
Nang palubog na ang araw ay umuwi sa mansiyon ang asawa nito. Nag-set up ito at si Matthew ng ihawan sa likod ng hardin. Parang instant barbecue party ang nangyari. At hindi niya maaaring itanggi na nasiyahan siya.
Si Matthew man, kung titingnan ang ekspresyon sa mukha masasabi niyang naging enjoyable din dito ang barbecue party nila. Ang hindi niya inaasahan ay ang naging komento ni Binny.
“Si Lirio lang pala ang kailangan para mawala ang recurrent na pagkabagot mo, bro.”
“'Oy, baka ma-offend niyan si Lirio,” maagap na sagot ni Matthew rito.
Napaisip tuloy siya. Hindi kaya kabaliktaran ng sinabi nito ang totoong ibig sabihin? Hindi kaya ito ang nao-offend kapag itinutukso siya rito ng mag-asawa?
“Hindi naman siguro,” sambot naman ni Fatima sa sinabi ng bayaw nito. “Hindi naman pikon si Lirio.” Bumaling pa ito sa kanya. “'Di ba, 'no?”
Ngiti ang isinagot niya kay Fatima.
“Kunsabagay,” hirit uli ni Binny, “maganda talaga si Lirio. At ikaw, bro, nangangailangan na ng makeover.” Nagkatawanan silang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/149211347-288-k969164.jpg)
BINABASA MO ANG
Braveheart 13 Matthew Ocampo (Coldhearted Hero) COMPLETED
DragostePhr Book Imprint Published In 2007 "When you came along... I could feel I Was given another chance to discover happiness again... And I won't pass up on that chance." Nalukot ang noo ni Matthew nang sabihin ni Lirio na hindi na siya puwedeng bumalik...