Chapter One

2.9K 25 0
                                    

Shooting Star.

"ATE ALLIE, dali naaa! Why are you so bagaal?!? do you know that? Galaw-galaw para 'di ma-stroke. What are you waiting for kasi? Ang second coming?"

Kahit nakakaaninag lang ng lights, shadows at blurred outline ang mga mata ko, pinilit ko pa ring i-pinopoint kung nasan si Anne, ang aking dakilang alalay. Pagkatapos, nag-fierce look ako. Ang pakay ko, iparating sa kanya ang isang mensahe -- kaunti na lang makakatikim ka na sa 'kin!

Ano ba kasi ang ipinagmamadali niya? Isa lang iyong ordinaryong umaga, simula uli ng isang araw na bubunuin ko bilang estudyante sa St. Agnes Academy. Kagaya ng araw- araw na lang, hindi ko lang talagang pumasok kaya ginagawa ko. So, bakit kailangan ko magmadali?

"Ay, don't be like that, 'te." Hinagod pa ni Anne ang pisngi ko.

"Baka may masamang hangin, mahirapan ka. Forever ka ng mukhang nasi-CR."

Sasabunutan ko na talaga 'to. Pero sige, kalma lang. Hindi ako bayolentng tao. Isa pa, assistant ko si Anne for the longest time. Okay, hindi ganoon ka-long. Mga three years pa lang siguro. Dati, yaya ang kasama ko. Pero, girl, highschool na ako. Medyo sobra naman na yatang nakakahiya kung yaya ang kasama kong pumasok sa school.

Si Yaya Marie, ang yaya ko since birth, ang dahilan kung bakit bumating si Anne sa buhay ko. Inirekomenda niya si Anne kina Mommy. Matanda na siya sa akin ng two years yata. Inampon daw ito ng kapitbahay nila nang mamatay ang nanay niya four years ago dahil walang ibang kukupkop dito. Pinag-aaral din daw ito pero on and off dahil hindi rin naman sagana sa pera ang umampon dito. Masipag daw si Anne, maaasahan, mabait. Sinubukan siya nina Mommy, nagustuhan nila, at ako rin, kaya heto na siya.

Mabait nga naman siya, maaasahan, masipag. Pero may mga pagkakataong nakakapikon din. Like right now. Kaladkarin ba ako para lang mapabilis ang lakad ko? Problema, hindi ko nga makita ang dinaraanan ko, hindi ba?

"May nakain ka bang watusi, Anne?" Patanong ko sabay pagpag sa kamay kong hawak niya nang mahigpit.

"Excited lang? May appointment? Mauna ka na."

"Ah, eh, sorry, 'te Allie, Na-carry away lang. Ang bagal mo kasi eh. Promise."

Hala! Sumapt pa. Kulang talaga sa kutos ang isang ito.

"May dahilan paramagmadali ako? Kailangan kong ma-excite na pumasok? Kailan pa?"

"Now. Kaya taralets." Hinawakan uli niya nag braso ko pero smarti girl siya, mabilis matuto, kaya this time hindi na niya ako kinaladkad.

Ako rin, smart, Sobrang smart nga raw kaya napunta ako sa St. Agnes Academy. hindi na ako nagpabagal-bagal pa dahil baka hindi makatiis ang dakila kong alalay at kaladkarin uli ako.

Nasa kotse na kami ay para pa ring pusang nawi-wee-wee si Anne. Kakapihit niya ay naiipit niya ako.

"Kuya Mario, pakibilisan naman. Hayun 'yong karo ng patay, o Naunahan pa tayo." reklamo ni Anne.

"Pasensya ka na sa isang 'to. Kuya. May nakain lang yatang 'di maganda. Carry on." pag-utos ko sa driver namin. Mamaya niyan ay pakinggan pa niya si Anne at mag-astang drag racer pa siya.

"Ang ko-corny n'yo naman." Hindi ko man siya nakikita ay nai-imagine ko na ang haba ng nguso ni Anne.

Umiiling-iling ako sabay hagilap sa smartphone ko.

"Paki-check." Iniabot ko iyon sa kanya. Isa sa duties and responsibilities niya bilang dakilang alalay ay ang i-check ang mga gadgets ko para malaman kung may messages na pumasok doon. Hindi siya umimik pero dahil katabing-katabi ko siya ay ramdam ko ang pag-swipe-swipe niya sa telepono ko.

One Wish (TAGALOG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon