Chapter Three: Closure

436 9 1
                                    

Nasaan na ba ako?  Kanina pa ako ikot nang ikot. Kakakikot ko, na-disorient na ako nang tuluyan. Kung nasaan ang left or right, hindi ko alam. Ayokong tumayo lang sa kung nasaan man ako. Baka mai-spot-an ako ng mga bully, lagot. Nawawala pa naman si Anne. Iyon nga mismo ang dahilan kung bakit patayo-tayo ako rito. Missing in action ang assistant ko.

Lakad pa more kahit wala akong idea kung saan ako pupunta. Ang laki rin naman kasi ng school ground ng St. Agnes. Nakasulat sa brochure kung ilang hektarya iyon. Hektarya talaga. Kaya hindi imposibleng magkandaligaw-ligaw ang isang visually challenged na nilalang na katulad ko. Iyon mismo ang nangyari sa akin ngayon. Naliligaw. At naiinis na. Sa sobrang inis, gusto ko nang umiyak. Duda ko na nasa deserted area na ng school ako nakarating. Courtesy of the bullies na naman. Na-sequester uli nika si Anne, for sure. Nawala na naman kasi siya. Tunog laman ng mga dahong hinahangin ang naririnig ko. At hindj naman totallyuseless ang mga mata ko. May naaani-aninag din ako. Hugjs lang ng mga puno. Lumakad pa ako. Hanggang sa maramdam kong may pumapatak sa akin. Ulan. Nalanghap ko ang amoy ng ulan. Nabasa rin ako agad ng mga patak.

Pero hindi ko alam kung bakit wala akong pake kahit mabasa ako. Siguro dahil ang bigat-bigat ng dibdib ko. Two years. Two years na akong pumapasok sa St. Agnes. Hasang-hasa na ang utak ko dahil sa mentally challenging curriculum. Sabi iyon ng brochure nila. Sobrang lungkot. Ewan nga kung cruah-crush-an ko lang si Burn. Para mayroon akon reason para matuwang pumasok.

Live life to the fullest daw. Kahit anong ibato sa iyo dapat kayanin. An hirap kaya kasi ang dami nang ibinato sa akin. Hindi ko na kaya. Dumating na siguro iyong puntong sasabog na ako. Kaya mabuti na rin na napadpad ako sa lugar na iyon ng school. Deserted area ito kaya walang makakakita sa akin. Puwede akong umiyak kung gusto ko. At oo, gusto ko. Nagsisimula na ngang tumulo ang luha ko. Konti na lang mapapa-emote na ako nang husto. Kaya lang, teka may sumisigaw ba?

Nakinig ako ng maigi. Oo, meron. Ang sabi yata 'sh*t lang! Sh*t talaga!

Pero sino iyon? May nagpa-practice ba ng play? Gitna ng ulan? Weird.

May narinig pa akoo. Parangmay natumba. Nasundan iyon g ilang 'sh*t!' Hindi na ako nakatiis, sinundan ko ang pinanggalingan n boses. Hanggang sa may makapa ako. Tao, at. . .umiiyak siya. Alam ko dahil sumisinghot siya. Saka yumugyugyog ang mga balikat. Niyugyog ko aiya.

"Aaah!" Ang lakas ng sigaw niya

"Hoy! Hoooy!" Sumigaw din ako. Nakakainsulto lang. Kung makasigaw siya parang maligno ang nakita niya. Pero napaisip ako,  hindi nga kaya akala niya maligno ako? O multo? Deserted area nga kasi ng school iyong kinaroroonan namin.

"A-Allie?"

Nakilala niya ako. Ako, nakilala ko rin  ang  boses niya.

"B-Burn?"

"Anong ginagawa mo dito?" Sabay kaming nagyanong. Sabay ding natahimik.

"O ano?" Sabay uli kaming nagsalita. Medyo nagmukha kaming tanga.

"Ikaw muna" sabi ko

"No, ikaw muna" kontra niya.

"G-guato ko lang. . .umiyak" Gusto kon pumadyak. Bakit naman inamin ko ang pag-iyak?

Gusto kong mapag-isa. Iyon dapat ang sasabihin ko pero iba ang lumalabas sa bibig ko. Pero nasabi ko na, babawii ko pa ba?

"Your turn" udyok ko

"N-namamasyal lang." Paiwas ang sagot niya. I can tell. Epekto iyon ng umano aypagka-develop ng ibang senses ko. Compensating. Iyonndae ang tawag doon. Nako-compesate iyong natitirang senses ko sa pagkawala ng sense of sight ko. Proof daw iyon kung paano nag-a-adapt ang katawan g isang tao, blah, blah, blah.

One Wish (TAGALOG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon