Chapter Seven: After Party (Part One)

247 6 0
                                    

THE MUSIC is so sweet and I am dying to dance.

I know I am dancing. Kaya lang, hindi ako masaya. Because I'm dancing with the wrong guy. Pang-ilang sayaw ko na ba ito? Hindi ko alam. Dapat feeling ko uli ang haba ng hair ko. Dapat hindi na bago sa akin ang feeling na iyon, iyong ang haba ng hair. Dati naman, i feel the same way. Noon sweet na sweet pa sa akin si Burn.

Pero ngayon, nasaan na ba siya? Pinapanood ko lang siya kanina. Center of attention siya sa dance floor. Hindi na ako nagulat. Kung nooong hindi siya makalakad ay nagagawa niyang sumayaw nang mahusay, ngayon pa na gumagana na ulit ang mga paa niya? Hindi nga ba't champion dancer siya talaga?

He was showing off. Nakakainis tuloy. Pero hindi ko rin magawang magalit nang todo. Deserving naman siya. May K. Dahil ang galing-galing niya. Iyon nga lang, iyong adoring crowd, sobrang dami at sobrang mesmerized sa kanya. Hindi na ako makasingit. O ayaw na niya akong pasingitin?

I hate this! Naiiyak na naman ako. At nami-miss ko si Anne. Dati, kapag feeling depressed ako, siya ang agad na sisita sa akin.

"Ingrata much,'te? Cry nang cry kahit ang liit na bagay lang? Look at the bright side lagi."

Isa iyon sa listahan ng mga sinasabi niya. O kaya ay. "Sige ka, 'te, pag 'di ka grateful sa small blessings, baka pati 'yon bawiin"

Ang daming words of wisdom ang ecouragement ng babaeng iyon. Para sa isang kinapos sa maraming blessings, napaka-positive ng attitude niya. Samantalang ako. . . 

"May I cut in?"

Haba ng hair mo. Ipinagsiksikan ko iyon sa sarili ko. Pinilit kong ma-feel. Hindi ba nga naman, nakakahaba ng hair iyong hindi ako naubusan ng guys na gusto akong makasayaw? Pareho lang kami ni Burn. Hayun, nakailang palit na siya ng dance partner.

Kung dati nangyari ito, malamang, hindi kami nagsasayaw. Malamang nakaupo kami sa isang sulok, nagkukuwentuhan. Nagbubungisngisan or maybe sweet kami sa isa't isa. Ngayon, hindi na yata mangyayari iyon. Dahil hayun siya, life of the party and enjoying it. Ako, heto, kahit paano naman, may fans. But i am not enjoying it. Because I just want that one fan. Si Burn. But he is not a fan anymore, Not even. . . a friend yata.

"Hey. . ." Napatigil iyong kasayaw ko.

". . . is something wrong?" Sinilip niya ang mukha ko.

Umiling ako pero wala pala akong future sa acting dahil mahirap akong um-acting na happy ako. Napasinok pa nga ako. 

"Something is wrong." Dumukot siya sa bulsa saka may iniabot sa akin. isang panyo. Pero bago ko iyon makuha sa kanya ay parang may naisip siya. Hindi niya iyon ibinigay sa akin. Siya na mismo ang nagpunas ng luha ko.

Touched naman ako doon. Pero hindi ko rin mapigilang isipin na sana si Burn ang gumawa niyon.

Napatingin ako kay Burn dahil doon. Busy pa rin siya sa pakikinig sa kung anumang ibinubulong ng kasayaw niya. Pero mayamaya, ewan kung naramdaman niya na may nakatingin sa kanya, lumingon siya sa akin.

Our eyes met and I wanted to cry all over again. Para kasing sobrang miss ko nang makipagtitigan sa kanya. Dati kasi lagi-laging nangyayari iyon. Ngayon, hindi ko na maalala kung kailan kami huling nag-eye to eye. Ten years ago na yata. Kung sino-sino na kasi ang ina-eye to eye niya.

"Don't look so sad. Nakakabawas sa beauty mo." Bumulong sa akin si Brad, ang kasayaw ko.

Ni hindi ko masyadong narinig iyong sinabi niya. Nakatutok kasi lahat ng atensiyon ko kay Burn. At dahil sa kanya ako nakatingin, kitang-kita ko nang mapakunot siya. Mukhang hindi siya natutuwa. Para ngang lalapitan niya ako. Pero kinalabit siya ng kasayaw niya. Hinawakan pa nga ang face niya para kunin ang attention niya. At agad na yata niya akong nakalimutan dahil ngumiti siya sa bruha. Once more, she had his full attention.

One Wish (TAGALOG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon