TULALA ako. To the max. Kabibigay lang ng grades sa perodic exam namin. Sinabi sa akin ng laptop ko ang grade ko. ONE HUNDRED. Gusto kong tumawa, lumundag, mag-hipho. It's a miracle.
May tumabi sa akin. Nasa canteen ako noon. Iniwan ako saglit ni Anne para bumili ng pagkain.
"I told you. . ."
Ikamamatay ko ang boses na iyon. Cardiac arrest ang cause of death.
"Akalain mo" tanging nasabi ko
""And it's just the beginning. Naku, ha, natatakot na'ko. Baka makalaban pa kita sa pagka-valedictorian."
"Patawa! 'Pag naging candidate for honor ako, papaputol ko ang leeg ko."
"'Wag kang magsalita ng ganyan. Baka mawalan ka ng leeg." natatawang kontra ni Burn.
Ang sarap naman sa pandinig ang sinasabi nito. Parang totoo. Parang naniniwala talaga siya na kaya ko.
"OMG!" May nagsalita na naman. Kilala ko na ang boses ng b*tch*s na regular na nambu-bully sa akin.
"Why are they always together ba? I won't believe in the saying that birds of the same feather flock together. Burn is way better than she is. Not the same. At all."
"They're jealous,'te." Nasa tabi ko na pala si Anne.
"Maglaway sila sa inggist, right?" sabi niya.
"Heto juice mo. Heto'yong cupcake."
"Sige subuan mo na'ko." irritated much lang. Kung minsan kasi, baby ang tratp sa akin ng dakilang assistant ko.
"Wait. Isusuot ko muna iyong bib mo." Hindi siya tinablan ng pagiging sacastic ko.
"ako na" sabi ni Burn.
Si Burn? Ang magpapasuot sa akin ng bib? Hindi nga? May bib talaga?
Naramdaman ko ang kamay niya na humahawak sa kamay ko. Konti na lang mangingisay na ako sa kinauupuan ko. FEeling na feeling ako. Pero natauhan--at napahiya--din ako nang naramdaman ko ang paglapag niya ng cupcake sa palad ko. Inako lang pala niya iyong dating gawain ni Anne.
"Heto ang isa pa."
Iyong baso ng juice malamang ang tinutukoy niya. Pero teka, hindi hugis baso ang lumapat sa kamay ko. Malabot iyon. Kind of squishy, At may. . . balahibo?
"Ang cute naman ng stuffed toy,'te." Nagsalita si Anne.
"Bear siya, kulay pink, mabalahibo. May hawak ding heart. Sweet."
Baka heart ko ang hawak ng bear. Inilabas iyon mula sa chest ko kaya hindi makatibok nang maayos. Alam kaya ni Burn na gusto ko siya? Part ba ito ng pagpa-inspire niya sa akin? O. . .
Napalunok ako nang pauli-ulit. Baka. . . may. . . may. . . c-crush din kaya siya sa akin?
Or baka sweet lang talaga siya.
Ayaw kong mag-feeling. So disappointing kapag hindi pala totoo.
"Ride na lang nang ride,'te"pagiit na ibinulong sa akin ni Anne ang isa sa mga favorite motto niya.
"ANG SIPAG naman ng baby ko"
Mula sa pag-type sa laptop ko ay napaderetso ako ng upo. Boses ni Mommy ang narinig ko.
"Kumatok ako kaya lang sobrang engrossed ka yata sa ginagawa mo. Hindi mo narinig" paliwanag niya.
"Nasaan ba kasi si Anne?" Dapat ay narinig niya ang katok at sinabihan niya ako.
BINABASA MO ANG
One Wish (TAGALOG - COMPLETE)
FanfictionSaktong naisip ko iyon ang nagsimulang magdilim ang lahat. Iyong total darkness. Kahit iyong kakarating na lang na liwanag na naaaninag ko dati, unti-unting nawawala. Hanggang sa mabalot na ng kadiliman ang lahat.