Chapter Eight: After the After Party (Part 2)

244 9 0
                                    

Kaunti lang ang mayroon kay Anne kumpara sa akin pero nakaka-good vibes siya kasi ang positive niya. Ginagawa rin niya ang lahat, hindi lang para mapabiti ang sarili niya kundi pati na rin ang iba, lalo na ako. Ako na ang madaming reklamo sa mundo.

Ikaw na ang nega. Pinitisa ako ng sarili ko. At tinanggap ko iyon.

"Uy, ang liwanang ng bituin, o" Sumilip sa windshield si Mang Mario.

Nakisilip ako. Saka natigilan. . . at nalungkot. Iyong itinuro niyang star, iyon din mismo ang bituing tinukoy ni Anne. Smart ako, hindi ba? Kaya kahit kung tutuusin ay hindi ko nakita, in the real sense of the word, iyong star na sinasabi ni Anne, alam kong iyon na nga mismo iyon. Mabilisang kalkulasyon lang sa isip ko ang kailangan - kung nasaang quadrant ng langit ang bituin, kung nasaang banda ng mapa ang bahay namin, isama pa ang orientation ng bintana ng kuwarto ko at iyong ibang bituing nakapaligid sa tinawag na wishing star ni Anne- and presto! Nakasiguro na ako.

Ang liwanag nga n'ong star. Pero alam ko, dahil sa galaw ng earth at ng bituin din mismo, iyon ang huling beses na makikita ko siya sa loob ng limang taon. Napatitig ako sa star. Anne's wishing star.

May wish ako pero hindi ako sure kung gusto kong sabihin. Napapikit ako. Nilaro ko sa imagination ko ang buhay ko dati. Pilit kong inalala ang mga nararamdaman ko. Iyong frustrations ko. Iyong lungkot. Naalala ko naman. Pero sumali rin doon ang mga happy moments. Iyong kakulitan ko si Anne. Iyong pagiging close namin ni Burn. Ano na nga iyong sinabi ni Mang Mario?

"Nasa patingin lang natin sa kung ano ang mayroon sa atin ang sekreto kung magiging masaya tayo o hindi." 

Kaya saan ba ako mas magiging masaya?

Ang reality ko ngayon ay ito. Nakakakita ako. Wheee! Walang taong may disability ang tatanggi na maibalik sa kanya ang nawalang kakayahan niya. Hindi rin ako binu-bully. Ang downside, nagkalayo na kami ni Burn. At wala sa buhay ko si Anne. Miss na miss ko na talaga ang babaeng iyon. Hindi ko napapansin dati pero kung tutuusin pala, she could be considered the best friend I ever had.

Ang dating reality ko, almost legally blind ako, nabu-bully, walang masyadong kaibigan. But the upside is, I have Burn and Anne. So, kung papipiliin ako, aling buhay ba ang mas gusto ko?

I want to see. Ngayong naranasan ko na uli kung paano makakita ay paano ko pa gusto gugustuhing bumalik sa kadiliman?

Tumingin ako sa wishing star. Sure ko, imagination ko lang pero parang. . . kumikislap-kislap siya. Iyong parasng tinatanong ako ng; Is that youur final answer? 

Hindi ako makasagot. At habang nakatingin ako sa star, parang unti-unti siyang nagdidilim. Its brilliant light was fading from the sky.

The star is visible from sun up until eleven o'clock in the western sky. Naalala ko ang nabasa ko tungkol sa bituin. 

What the heck? Para yata kong tanga para maniwalang ang wish ko sa star na ito ang dahilang ng werd na pangyayari sa buhay ko.

Ayoko nang maging bulag. Ayoko nang ma-bully.

I felt as is I made my decision. Napanatag ang kalooban ko. Pumikit ako, sumandal sa headrest. Ewan kung nakatulog ako o nag-i-imagine na naman. Mala-MTV ang dream ko or product of my imagination. Scenes iyon ng buhay ko na kasama si Anne. Kaya lang, ang labo. And slowly, it was as if I was starting to forget who Anne was. 

Anne? Sinong Anne?

Si Burn naman ang napapanood ko sa isip ko. Masaya kaming dalawa sa mga scene. Pero sa huling frame ay tumalikod siya sa akin at nagsimula siyang maglakad papalayo. 

Tinawag ko siya pero deadma. Nagbingi-bingihan siya o kaya wala lang talaga.

Sa bawat pintong bubuksan natin at papasukan, nadadala tayo papunta sa landas na iba sa ating orihinal na patutunguhan. May mga tao, bagay at kamalayan tayong iiwan na hindi na natin maaaring balikan kailanman.

Hindi ko matandaan kung sinong writer ang nagsabi ng ganoon. Basta ang alam ko, ginawan namin ng reaction paper ang isinulat niya na iyon. Sumakit pa nga ang ulo ko. 

Pakiramdam ko bigla, pumasok na ako sa bagong pinto, iyong magdadala sa akin sa bagong landas na tatahakin ko. Iyong wala si Anne at kami ni Burn, magiging acquaintance na lang.

No! Ayoko! Napaderetso ako ng upo sabay tingin sa langit. Iwi-wish ko sa star na bumalik na lang ako sa dating buhay ko. 

But wait! Nasaan iyong star? Hindi ko makita. Kandaduling na ako sa kakatingin pero wala talaga. 

"Parang umulan pa yata." Pumalatak si Mang Mario.

"Ang ulap na."

Kaya hindi ko makita iyong star kasi maulap. Sana mahawi ng ulap. Babawiin ko ang desisyon ko. Pero hindi na yata ako gustong bigyan ng pagkakataon. 

Is that your final answer?

Tinanong pa nga ako, hindi ba? Sabi ko, yes. Kaya heto. Ibig sabihin, wala nang bawian> Ayaaawww! Star, magpakita ka!

Pero wala akong nakitang kahit anong star hanggang makarating kami sa bahay. Wala pa rin sina Mommy. Iyon ang isa pang pagbabago sa buhay ko. Noong wala akong masyadong makita, lagi ko silang nakakasama. Siguro ay dahil iyon sa gusto nilang masubaybayan ako. Ngayon na okay naman ako, puwedeng-puwede na silang magpakaabala sa mga buhay nila. 

Nasa pagtingin lang natin kung ano ang magpapasaya sa atin. . . 

Dumeretso ako sa kuwarto ko. Tumingin ako sa bintana, umaasa na makikita ko iyong star. Pero umuulan na. Ang lakas. At iyong langit, sobrang kapal ng ulap. 

Pinindot ko ang cellphone ko. May mga litrato kami roon ni Anne. Siya ang laging kumukuha. Una, kasi hindi nga ako makakita. Pangalawa. . . napatulala ako. Hindi ko maalala iyong second reason. Para kasing. . . palabo na rin nang palabo sa memory ko si Anne.

Sino si Anne? 

Pindot to death ako sa phone. Deretso ako sa gallery. May mga folder doon. Binuksan ko isa-isa. Binuksan ko lahat. Pero kahit isang picture ni Anne, wala. O hindi ko lang alam kung sino si Annesa mga litrato roon?

paano nangyari na hindi ko makilala si Anne? Ang linaw-linaw ng hitsura niya sa isip ko. Kaya  lang. . . palabo nga nang palabo ang alaala ko.

"Bye,'te. . ."

Parang may narinig akong boses. Kay Anne. Sure ko. Pero  sandali lang akong naging sure kasi. . . bawawala na siya sa memory ko.

Ayoko nga sabi! Sumigaw ako sa isip ko.

"You've made your decision. . ." Parang may sumagot.

Ibig sabihin, this was my new reality? Wala si Anne, wala si Burn. Nagbara ang lalamunan ko.

K-keri! Pinilit kong igiit iyon sa sarili ko. At kung anuman ang maging bagong mundo ko, babaunin ko ang leksiyon na natutunan ko. 

Nasa pagtingin mo sa kung anong mayroon sa iyo ang magpapasaya sa iyo. . . 

Napahinga ako sa kama. Kaunting-kaunti na lang ang naalala ko tungkol sa. . .  isang tao. . . isang datin naging katuwang at kaibigan. Sino nga siya? Hindi ko na siya maalala masyado pero naiyak ako sa lungkot dahil alam ko, naging napakalaking bahagi siya ng buhay ko. Ayaw ko siyang makalimutan pero parang nahuhulaan ko na ganoon nga mismo ang mangyayari.

Panay iyak ko. Halos magsara na ang mga mata ko dahil doon. Hanggang sa makaramdam ako ng antok pero halos kakasara pa lang ng mga mata ko nang may sumabog!

----------------------------------------

Author's Note

Hey Guys! Sana nagustuhan ninyo ang Part Two ng After Party (Chapter Seven). If you do like/love it, please vote and comment if there are any typo. 

FOLLOW ME FOR MORE UPCOMING STORIES/BOOKS!

Scroll for CHAPTER NINE! 


One Wish (TAGALOG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon