Chapter Nine: Back to Normal

382 8 0
                                    

ANG LAKAS ng kalabog! Sa sobrang lakas, tumalsik ako sa gulat. Ano iyon?


"Makalundag ka, 'te, mapapahiya ang echoserang frog."

Napadilat ako. Kilala ko ang boses na iyon. Si. . . Anne. Si Anne! Nasa tabi ko lang siya. Bumalik siya. Escited kong nilingon ang pinanggalingan ng boses niya. At. . . hindi ko siya nakita. Kasi. . . hindi ako nakakakita. Hindi na uli ako nakakakita!

May dumagundong na naman nang malakas. Napalundag uli ako. Nasaan ba kami?

"Nasaan tayo?

Nagtanong ako.

"Hindi mo alam 'te? Ulyanin much? Nasa car tayo. Pauwi na," sagot ni Anne, parang takang-taka.

Bigla na naman kumalansing, nakakabinging tunog. Napasiksik tuloy ako sa kanya sa takot.

"It's just a kidlat,'te. Relax ka lang." Inalo pa ako ni Anne. As if maaalo niya ko. Alam ko kaya na kapag tinamaan ng kidlat ang isang tao, good-bye cruel world na. But, hey, come to think of it, hindi kaya mas masaya iyon. kasi kabilang mundo, nakakakita na ako.

Wait! Natigilan ako. Pamilyar ang eksenang ito. Déjà vu ang dating. parang nangyari na dati. Pero oo, oo talagang nangyari na.

"Anne!" Napahawak ako sa kanya.

"Alam mo ba ang nangyari?"

"Alin sa mga 'yon 'te? Ang daming nangyari, ah."

"Iyong tinamaan tayo ng kidlat."

"W-whaaat?! 'Te naman. Don't say bad words. Baka magkatotoo."

Pero sigurado ako, totoong tinamaan kami ng kidlat. And then, so many other things happened afterwards. Pero teka, nangyari ba talaga iyon, nanaginip lang ba ako o nabaliw sandali? Kung nangyari talaga, bakit hindi alam ni Anne?

"Seryoso ako. Wala kang matandaan?" Kinulit ko siya.

"Uh-ha" Sabi niya.

"At habang sinasabi ko 'to ay umiiling-iling ako" paglilinaw pa niya.

Napangiti ako. Iyo yong Anne na kilalang-kilala ko. Bumalik na nga kami sa dati. Iyon ay kung umalis nga kami roon ever.

Pagdating sa bahay ay nabunggo agad ako.

"Ay, sorry'te, nakalimutan ko. May binili nga pala si Tita." Si mommy ang tinutukoy niya.

"Rebulto. Macho,'te"

Napatulala lang ako.

"Uhh, warrior s'ya, tama? May dala siyang shield at tabak?"

"Hala? How did you make hula?"

Kaunti na lang iikot na ang paningin ko. How did I make hula daw? Paano nga ba? Kasi. . . kasi nakita ko mismo iyong estatuwa. Gawa raw iyon ng isang bago at papasikat na sculptor. Nakita ko noong pansamantalang maipahiran sa akin ang paningin ni Anne at maipatikim sa akin ang isa pang uri ng buhay na puwedeng maging bagong reyalidad ko. Ibig sabihin, hindi ko guni-guni lang ang nangyari. Kasi, paano ko nalamang estatuwa ng warrior sa bahay kung imagination ko lang ang may pakana doon sa mga naranasan ko?

"My head aches. Tutuloy na ako sa room ko" sabo ko kay Anne.

Naramdaman ko ang pag-alalay niya pero tumigil uli siya.

"My visitor ka,'te" Boses kinikilig siya kaya nahulaan ko rn kung sino ang dumating.

"Hi Yallie. Busy ka?" Si Burn nga!

"Hindi naman. Bakit?"

"Gusto kitang makasuap. Uh, privately sana."

"Wheee!" Napatili si Anne.

One Wish (TAGALOG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon