"AW! AAAW! May pumipilit buksan ang mata ko at may itinatapat pang liwanag sa eyeballs ko. Bakit?!
Pagdilat ko ay nakita ko kung sino ang salarin. Isang lalaking nakasuot ngmputi. Kinabahan ako. Si San Pedro ba ito? Tinitigan ko siya, parang hindi naman pala. Nag-click agad sa utak ko kun sino siya. A doctor.
Naikunot ko ang noo ko. Doctor? Again, bakit?!
"You seem to be okay. And if I may sa, you are one lucky girl. Hindi lahat ng tinatamaan ng kidlat ay kasknsuwerte mo. Iyong marami, namamatay." Nagsalita ang lalakinb nakapuri.
"Ha?" Muntik akong mapalundag sa inihigaan kong hospital bed. Tinamaan ako ng kidlat? Pero buhay ako. Thank you, Lord. Kaya lang, nasaan na si Mai?
"Iyong kasama ko, kamusta siya?" Parang ayokong marinig iyong sagot.
"Kasama mo?" Napakunot ng noo si Doc.
"Iyong driver n'yo ba?"
"May sia pa?" Lalong tumindi ang pagkunot ng noo niya.
Kinabahan naman ako. "O-oo. Si. . . Anne."
Tinitigan niya ako"May kasama ako sa kotse. Anne ang pangalan niya. Anong nangyari sa kanya?"
Hindi ma-describe ang expression niya.
"Sina Mommy ba, nasaan?" Baka sila, alam nila.
"Nasa labas sila. Teka ipapatawag ko. Nurse. . ."Bumaling siya sa kaliwa. May nurse palang nakatayo roon, ina-adjust iyong dextrose ko.
"Yes, Doc." Nagmamadali na siyang lumabas. Si Doc najan, bumaling ulit sa akin.
"Ano nga ang sinasabi mo?" Tanong niya
"May kasama ako...
"Iyong driver n'yo, I think okay naman siya. Na-discharge na siha agad."
"Si Anne. . ."
Nablanko ulit ang ekspresyon ni doc. Bakit ganoon ang reaksiyon niya?
"Ate Allie. . . Pssst. . ."
Si Anne iyon, sigurado ako. Luminga-linga ako pero hindi ko naman siya nakita. Nasaan siya?
"Uhm, may. . . Hinahanap ka?" Tanong ni Doc.
"Si Anne nga Doc."
"Sinong Anne ba ang sinasabi mo? Ang alam ko, dalawa lang kayo ng driver mo ang nasa sasakyan. I knoww because I was the one who attended to your case in the ER."
"May kasama pa ngapo akong isa. Si Anne..."
Napakamot siya ng ulo, parang litong-lito siya.
"Ah, here they are." Halatang natuwa siyang pagkakita kina Mommy at Daddy.
"Allie, kamusta ka na?" Si Mommy ang mas naunang makalapit sa akin.
"Okay naman po. 'My, si Anne..."
"Sinong Anne?" Sabay pa silang nagtanong ni Daddy.
"Pssst. . . Ate Allie. . ." Hayun na naman ang boses ni Anne. Nasaan ba siya at bakit may pa-sitsit-sitsit siyang nalalaman?
Nasapo ko ang bibig ko. OMG! Hindi kaya. . . dead na siya? Kaluluwa na lang siya kaya hindi ko siya makita?
"Don't panic, 'te. Buhay na buhay pa 'ko. I think." Walang duda, si Anne nga ang nagsasalita.
"Nasaan ka ba kasi?" Nasabi ko
"Hindi mo kami makita?" Si Mommy ang sumagot. Nag-panic ang boses.
BINABASA MO ANG
One Wish (TAGALOG - COMPLETE)
FanfictionSaktong naisip ko iyon ang nagsimulang magdilim ang lahat. Iyong total darkness. Kahit iyong kakarating na lang na liwanag na naaaninag ko dati, unti-unting nawawala. Hanggang sa mabalot na ng kadiliman ang lahat.