"SOMEONE is making hintay sa'yo." Hindi pa kami nakakabab ng kotse nang umagang iyon ay bumulong na sa akin si Anne.
"Sino?" Kinabahan ako. Iyong mga witches ba? May balak na naman silang masama sa akin?
"Chill, dapat nga, smile ka pa. It's a b-e-auuutifuul day! Kasi. . .ang cute nung naghihintay sa'yo."
Dug-dugudugdugdugdugdug-dugdugdug. Sabi iyon ng puso ko. Napalunok ako, napasinghap. Was Anne saying what I thought she was saying?
"Si Burn, 'te. Kaya tamisan ang iyong ngiti" bulong niya.
Ubos agad ang hangin sa paligid. Si Burn? Hinihintay ako?
"Feelers ka, Anne" sinita ko siya. Idamay ba ako sa pabkailusyunada niya.
"Feelers daw o. 'Di kaya. Ikaw nga ang hinihintqy niya. Kung hindi. . . Ahhhh, he's making gulong his wheelchair over here."
Nadamay na ako sa pagka-excited ni Anne. Pero nataranta din ako. Ano ang gagawin sa mga ganoong pagkakataon? Mamaya na siguro ako bababa ng kotse. Mag-iisip muna ako. Kahit abutin pa ako ng 100 years. Pero si Anne, binuksan na ang pinto sa tabi ko.
"Good Morning Allie" narinig ko ang boses ni Burn.
Hinga pa more. Kung hindi, baka maging victim ng oxygen starvation ang utak ko.
"Good morning" ganti ko
"Sabay na tayong pumasol" yaya niya
"Ha? Eh. . ."
"Go lang" bulong ni Anne
"Siya rin ang alalay sa'yo pagbaba. Just for experience ba!" Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa kung saan.
Mainit-init na ang nasalat ko. OMG. Si Burn ba ito? Naalala ko iyong nangyari under the rain. Iyong nahawakan ko iyong kamay niya dahil sa pagtulong ko ko sa kanyang pagtayo ng wheelchair. Pero akong na-electrocute noon, hindi ko lang pinansin. Akala ko kasi imagination ko lang iyon. Pero naulit na naman iyon ngayon.
May kuryente nga talaga siya sa katawan. But I liked the tingly feeling. Kaya nga hindi ko inalis ang kamay ko na inihawak sakanya ni Anne.
Dahan-dahan ang pag-andar niya sa wheelchair. May hilera kami ng students na nadaanan. Nagtitinginan sila sa amin. Nagbubulungan pa.
"Oh, why naman is that blind girl so lucky?" May nagtakang humirit. Naramdaman ko ang marahas na paggalaw ng ulo ni Burn. Hula ko, binalingan niya iyong nagsalita. Na-imagine ko ang masamang tingin na itinuro niya. Kasi hindi na nasundan ng panlait iyon sa akin. I also felt this tense silence in the air.
I felt his hand tap mine.
"Sagot kita" sabi niya
Hindi ko sure kung nakangiti siya pero gusto kong isipin na ganoon nga. Sigjro rin, ang cute niya habang naka-smile.
Hindi ko mapaniwalaan ang ginagawa niya. Ini-snob nga kasi niya ako dati, di ba? Kunwari na lang ay hindi ako kinilig.
"Talaga lang ah!" Hindi ko napigilang mag-comment.
"Natatakot ako eh. Baka i-blackmail mo'ko. Malay ko ba kung wala kang blog at ide-describe mo doon iyong nakita mo kahapon. It would destroy my images as a cool guy."
"Hindi ko kayang ipagkalat ang pagiging weak ng isang tao." Sabi ko
"That's what I figured" sagot niya
BINABASA MO ANG
One Wish (TAGALOG - COMPLETE)
FanfictionSaktong naisip ko iyon ang nagsimulang magdilim ang lahat. Iyong total darkness. Kahit iyong kakarating na lang na liwanag na naaaninag ko dati, unti-unting nawawala. Hanggang sa mabalot na ng kadiliman ang lahat.