Chapter 8: Who are You?

72 3 0
                                    

McDo Bisexual Love Story Chapter 8

Author/admin

Chris Pasaporte Brinosa

Hello readers and supporters, patuloy nyo parin akong iniinspire dahil sa mga comments nyo, sana mas dumami pa ang readers ng story na to.. plz share nyo din sa mga kakilala nyo na mahilig magbasa ng mga story na tulad nito.. sa mga d pa nakabasa mula chapter 1-7 backread lng kayo d2 sa page salamat... I am sure nalito kayo nung chapter 7 kung sino ang humila kay Raymond at kung ano ang gagawin nya para maalala sya ni Kenneth... Ito na..

Dapat nyo ng malaman.

McDo Bisexual Love Story

Chapter/Part 8

Characters:

Kenneth Lambrando

Raymond Antrada

Chris Bernosa

Kaye Liamas

Clyde Fuentaverde

Czyanna Monterde

Raymond POV

Hindi ako makawala sa lakas ng pagkahawak nya sakin habang hinihila nya ako kaya sumunod nlng ako kanya d ko man sya kilala wala na akong pakialam nawalan na ako pagasa dahil sa mga nangyari.

Nakikita ko kong saan direksyon kmi pupunta, patungo kmi sa CR ng Hospital, binuksan nya ang pinto pumasok sya at hinila nya rin ako papasok sa loob.

"Sino ka?" Sabi ko sa kanya, naghihina na ako pagod na pagod dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Kenneth at sa subrang bilis ng pagtakbo namin.

"Sino ka! Bat mo ako dinala dito"

" ahhh.. wag kang magalala hindi ako masamang tao, hinila kita kanina dahil baka makita ka dun ng mama ni kenneth at ni czyanna, baka maabotan ka rin ng papa nya dahil paparating narin sya sa hospital na ito,bibisitahin nya rin si Kenneth"

"Huh? Sino ka ba talaga? Bakit kilala mo si Kenneth ang mama at papa nya? Bat mo alam ang mga galaw nila?" lumakas na naman ang iyak ko dahil narinig ko na naman ang pangalan ni kenneth, naalala ko ang mga nagyari. Sino kaya ang taong to?

"Kumalma ka, Tumigil ka sa pagiyak, hindi pa huli ang lahat may magagawa ka pa para bumalik ang mga alala ni Kenneth at gumaling sya sa sakit nya, saka wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari."

Tumahimik ako sa pagiyak ng marinig ko ang mga pinagsasabi nya tiningnan ko sya. Binitawan nya ang kamay ko.

"Ako ang Personal Secretary ni Kenneth, ako si Chris Bernosa. Kailangan mo munang sumama sakin, wag tayo dito magusap baka may makakita sayo dito, saka ko na sayo ipapaliwanag ang lahat2x, kailangan mo ring magpahinga, tara na kailangan na nating umalis."

Sinama nya ako sumakay kami sa kotse nya, mukhang mabait naman syang tao at mapagkakatiwalaan. Habang nagmamaneho naikwento nya sakin na sya daw ang pinagsasabihan ni kenneth pag may problema ito at kinikwento nya ako palagi sa kanya, ang mga nangyari samin simula kung paano kami nagkakilala at naging close hanggang sa naging komplekado ang pagmamahalan namin. Naputol ang usapan namin, nandito na kami sa lugar kung saan nya ako papanatiliin hanggang sa mawala ang kaso ko.

Dinala nya ako sa isang sekretong lugar, pinili nya ang lugar na to dahil walang masyadong pumupunta dito para ligtas daw ako dahil pinaghahanap parin ako ng mga polisya. Alam nya ang lahat ng nagyari sakin pati narin kay Kenneth. Lumabas na kmi ng kotse at magtatanghali na nakita ko ang paligid ng bahay maraming puno matataas na puno at naririnig ko ang kanta ng mga ibon ang sarap ng hangin napakasariwa. Pumasok na kmivsa loob ng bahay, d kalakihan ang bahay gawa lng ito sa kahoy napaka artistic ng mmpagkagawa nito, kumalma na ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni Chris na wag ako mawalan ng pag-asa, na may magagawa pa ako para mabalik ang ala2x ni kenneth. Umopo ako sa sofa, sumandal at nagpahinga. Pinikit ko ang aking mga mata, pagod na pagod ako ngayong araw, inalala ko ang mga masayang alala namin ni kenneth, iniisip ko na sinosubokan lng kmi ng tadhana kung gaano ka tibay ang pagmamahalan namin, pero hindi ako susuko malayo na ang narating namin ni kenneth dahil sa pagmamahalan namin, ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin.

McDo: EXTENDED CHAPTERS/ "BEST BISEXUAL LOVE STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon