McDo Bisexual Loves Story Part/Chapter 4
Hello Readers and Supporters.
Alam kong inaabangan nyo na ang bawat part/chapter ng story. Sana i suggest nyo rin sa mga bi na kilala nyo. Salamat nga pala ulit sa patuloy na sumusuporta sa page.. Inspiration ko kayong lahat sa pagsususlat.😘
Sa mga hindi pa nakabasa nang part/chapter 1-3 plz read na.
Handa na ba kayong masaktan at magmahal muli.. ito na..
Characters
Kenneth
Raymond
Clyde
Kaye
Chris
Nanumbalik saking isipan ang mga masayang alala namin ni Raymond simula nang makita ko syang muli, Mahal ko parin sya hanggang ngayon.
Tumatakbo ako ngayon papunta kay Raymond nais ko syang yakapin at makausap, uhaw na uhaw ako sa kanya di ko masabi kung ano ang nararamdaman ko ngayong nakita ko rin sya sa wakas sa loob nang ilang taong nagdaan. Malapit na ako sa kanya at habang sya naman ay naglalakad din papunta sa direksyon kung nasaan ako. Ngayon tumigil ako at hinintay dahil ilang steps nalang malapit na sya sakin. Binuka ko ang aking mga braso para yakapin sya dahil nasa harap ko na sya ngayon, pero nilagpasan nya lang ako na para bang hindi nya ako nakita, subrang nadisappoint ako dahil akala ko gusto nya din akong yakapin at akala ko subrang namiss nya din ako.
"Raymond? " binanggit ko ang pangalan nya habang palingon sa kanya, pero patuloy parin sya paglalakad na parang bang hindi nya ako narinig nagmumukha na akong tanga na parang nakikipag usap sa hangin. Hinabol ko sya habang naglalakad, "Raymond, McDo ko.. anong problema di mo ba ako namiss?" Nasaharap ko sya pero patuloy parin sya sa paglalakad, hindi nya ako pinapansin. Parang nagagalit na ako naiinip na ako sa mga pinanggagawa nya. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang mga kamay at pinaharap saakin,
"Ano ba?, Di mo ako papansinin, magpapaliwanag ako." Hinawakang ko sya sa baywang at tinitingnan ang kanyang mga mata.
"Bitawan moko" iniiwasan nya parin ako pero hinigpit ko ang pagkahwak sa kanyang mga baywang. "Magpapaliwanag ako, please makinig ka naman" pilit syang nagwala at binitawan ko sya dahil para narin syang nasasaktan sa subrang higpit na pagyakap ko sa kanya. Naglakad sya palayo sakin, pero hinabol ko parin sya, hinawakan ang kanyang balikat pat pinaharap sakin, "mahal parin kita" nilapit ko ang labi ko sa labi nya, hinalikan ko sya, binigyan ko sya nang French kiss, pinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko hiniwalay nya ang kanyang labi. Bigla nalang syang naglakad minulat ko ang aking mata, at nakita ko palayo syang naglalakad,
"Sandali" sabi ko sa kanya at bigla syang tumigil sa paglalakad, at lumingon sakin.
"Bakit ba?" Tiningnan nya ako nang masakit
"Gusto kong malaman kong bakit ka nandito?" Tninanong ko sya na may halong pangaasar.
"Gusto mong malaman kung bat ako nandito?, simple lng. Pumunta ako dito kasama ang nanay ko dahil sabi nang doctor nya sa pilipinas kailangan syang dalhin sa hospital na ito dahil nandito ang doctor na makapagpagaling sa kanya, may malubha syang sakit. At nirecommend kmi dito, para mas mapabilis ang recovery nya."
Nagmamasungit na sagot nya sa mga tanong ko.
"Uhmm, and why are you wearing that uniform? "
Masungit ko rin syang tinanong habang tinuturo ang uniform nya.
"Ohh, this? I am wearing this dahil nagtatrabaho narin ako dito, para makatulong nadin sa mga hospital bills namin at para mabantayan narin si mama, hindi naman siguro kmi subrang yaman, tapos ka na ba magtanong?, aalis na ako."

BINABASA MO ANG
McDo: EXTENDED CHAPTERS/ "BEST BISEXUAL LOVE STORY"
Romansa!(First Best Bi Story na mababasa nyo)! Ang magpapatunay na Love Has No Gender, Kung tunay na mahal mo ang isang tao walang ano mang makakahadlang sayo para maipakita lng sa kanya ang iyong pangmamahal. Ito ang magpapatunay na kahit ilang beses man...