#56 (Masaya ako't malaya ka)

25 2 0
                                    


"MASAYA AKO'T MALAYA KA"

Ikaw ay lobo at ako naman ang taong siyang may tangan sa iyo
Oo, maaring sabihin mong tanga ako sapagkat ako ang kusang bumitaw sayo
Oo, maaring tanga ako sapagkat mas ninais kong panoorin ang iyong paglayo
Oo, maring tanga ako sapagkat hindi ako tumupad sa pangako

Ngunit kahit na magkaganon ay wala akong pinagsisisihan
Hindi ba’t noon ang sabi mo sa akin ay gusto mong makalipad at masilayan ng malapitan ang buwan?
Mahal, hindi mo magagwa iyon kung ika’y naririto at nakatali lamang
Hindi mo magagawa iyon sapagkat ikaw ay bihag at walanag kalayaan

Kaya mas pinili kitang bitawan
Mas pinili kitang bigyan ng kalayaan
Hnaggang ngayon maaaring ako pa rin ay iyong kinamumungian
Dahil basta na lamng kitang binitawan

Ngunit hindi mo alam na mas masakit na bitawan ka
Mas masakit na kahit nagdadal’wang isip ay hindi na kita mahahabol pa
Masakit Makita habang unti-unti kang lumalayo
Kasabay ng unti-unting paglalaho ng mga binuong pangarap at mga pangako

Ngunit kagaya ng sinabi ko wala akong pinagsisisihan
Sapagkat ngayo’y napakataas na ng narrating mo, maaari ka ng ihalintulad sa buwan
Kumikinang at nagbibigay liwanag sa mundo mong nilamon ng kadiliman
Maganda ang naging resulta ng pagbitaw ko kahit na ang kapalit nito’y pagkawala mo sa mga kamay ko
Mahal, nag-iisa ka pa rin sa puso ko at hindi ka mapapaltan ng kahit sino,Masaya ako para sayo...
              
                  -UndescribableWriter

100 Tula #(TLA2018) #Primoawards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon