#86 GUSTO KANA NILANG MAKITA I

9 0 0
                                    

Nagsimula ito noong umalis ka

lahat sila ang mukha'y di maipinta

lahat sila'y hinahanap ka

saan ka nga ba nagpunta?


May nakita kaming sulat sa 'yong lamesa

nakasaad ditong 'wag ka ng hanapin, sapagkat di kana babalik pa

mas lalong humagulhol ng iyak si mama

Nang may makita kaming kutislyo na may marka ng dugo sa ilalim ng 'yong kama


Saan ka nga ba nagpunta?


Mga papel na puro mukha mo ang naka imprenta

Ang nakikita ko dito sa buong sala

samahan pa ng nakaririnding hikbi ni mama

na nagbibigay sa akin ng pakiramdam na hindi maganda


gusto kana nilang makita!


umalis ako ng bahay, nagpaalam na hahanapin ka

nangako akong sa pagbabalik ko'y narito kana

na hindi ako uuwi ng hindi ka kasama

bakit? kase gusto kana nilang makita...


tutupad ako sa pangakooo..



AN: Heyyyy! I'm back! slow update, favoriteee genre ko po itooo (mystery) enjoy reading guys :) yung nag request pala ng poem post ko din mamaya :) HHAHAHHA


100 Tula #(TLA2018) #Primoawards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon