#95(Untitled)

3 0 0
                                    

Kasabay ng paglalim ng gabi ay siya ring paglalim ng 'yong iniisip
Tila ba ayaw ka nitong tantanan hanggang sa panaginip
Mga tanong na mahirap hanapan ng kasagutan
Paano? Ano?, Sino,bakit?,saan? at Kailan?

Paano mo ako nagawang lokohin?
Paano mo natiis na hindi ko nalalaman ang iyong lihim?
Bakit natiis mong mag sinungaling?
Paano mong naitago gayung kausap kita bago matulog hanggang paggising

Ano ang aking kasalanan?
Sa dinamirami ng pwedeng gawin,ganito pangkalokohan
Hindi ko alam kung paano mo ako nagawang saktan
Gayung halos araw-araw mong sinasabing hindi mo ako iiwan

Sino nga ba siya para sayo?
Bakit tila walang pagdadal'wang isip na pinagpalit ako
Ganoon ba s'ya kahalaga?
Kaya ako sayo'y nawalan na ng importansya

Bakit hindi mo nalang sinabing hindi na ako
Bakit hinayaan mong umabot pa sa ganito?
Mas matatanggap ko kung iniwan mo muna ako, bago naging kayo.
Pero hindi, isinabay mo ako d'yan sa bago mo

Saan ako nagkulang?
Lahat ba ng wala ako'y kanyang napunan?
Saan ko mahahanap ang sagot sa tanong na iyong iniwan?
Paano ko tatapusin ang iniwan mong pangungusap na hindi man lamang tinuldukan.

Kailan pa nawala ang pagmamahal mo sa akin?
Kailan pa, hindi na ako ang nais mong makita pagising
Kailan pa nag-umpisang naramdaman mong hindi mo na ako mahal?
Ay teka sandali, ako nga ba'y iyong minahal?


100 Tula #(TLA2018) #Primoawards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon