#96 Sana sa susunod hindi na

3 0 0
                                    

Sana sa susunod na pagkakataong magsusulat ako hindi na patungkol sayo
Sana sa susunod na paghawak ko ng panulat ay hindi na ikaw ang unang papasok sa isip ko
Sana sa susunod na hawak ko sa aking lapis at pambura hindi na ikaw ang maisip kong tema
Sana sa susunod na pagkakataong ako'y magpipinta hindi na ang makulay mong ngiti ang maikukumpara ko sa mga pintura

Dahil ako'y pagod na.

Hindi ko na ibubulong sa hangin na iyakap nya ako sayo
Hindi ko na hihilinging kasabay nang pagbuhos ng ulan ay sa aki'y pagkahulog mo
Hindi ko na ikukumpara ang kinang ng 'yong mga mata sa paborito kong bituin
Hindi ko na rin ipananalangin sa kalawakan na tayong dalawa'y pag tagpuin

Dahil ako'y pagod na.

Mahirap tapusin ang pangungusap na hindi natuldukan
Kasing hirap ito ng pagpigil sa aking nararamdaman
Patawad, kung sa ganitong paraan ako magpapaalam
Pagtapos nito, pangako hinding-hindi na kita susulatan.

100 Tula #(TLA2018) #Primoawards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon