#59 (Siya muna bago Ako)

26 4 2
                                    

"SIYA MUNA BAGO AKO"

Hindi sa mga taong nasa paligid mo
Hindi sa mga taong may gusto sayo
Hindi sa mga taong madalas na nakakasama mo
Kundi sa taong naunang mahalin mo bago ako

Paano kung mas mahal mo sya?
Paano kung hindi ko mapantayan ang pagmamahal na ibinigay nya?
Paano kung lahat ng ginagawa ko para sayo’y kulang pa?
Paano kung biglang bumalik sya?

Paano kung mahal mo pa rin sya?
Paano kung sa aming dalawa’y papiliin ka niya?
Takot ako—hindi sa maaaring mga magustuhan mo
Kundi sa taong naunang mahalin mo bago ako

Ayokong nakakausap mo sya
Ayokong mababanggit mo ni pangalan nya
Hindi sa wala akong tiwala sa pagmamahal mo
Nakababahala lamang talagang isipin na –sya ang una mong minahal bago ako

Naniniwala kase ako na ang unang pag-ibig ay hindi nawawala
May parte sa puso mo na para sa kanya’y ipinasadya
Parte ng puso na  hindi mapupunan ng iba?
Parte sa  puso na ang tanging laman ay siya

Kaya huwag kag magtataka kung nag-iiba ang aking timpla sa tuwing nababangiit mo sya
Hindi ko maiwasang ikumpara ako sa kanya—saka maiiisip na akoy kulang pa
Gaya ng palaging sinasabi ko--Hindi ako Takot  sa maaaring mga magustuhan mo
Kundi sa taong naunang mahalin mo bago ako.

                  -UndescribableWriter

100 Tula #(TLA2018) #Primoawards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon