#88 GUSTO KANA NILANG MAKITA III

7 0 0
                                    


Agad kong sinusian ang binuksan ang pintuan

Binuhay ko rin ang ilaw, sapagkat ang mata ko'y malabo sa malayuan

Hayun! nakita na kita, nakaupo malapit sa pintuan

hawak-hawak ang manikang galig sa paborito nating pinsan


Muli kitang pinagmasdan ng malapitan

Ang napaka amo mong mgat mata

Ang matangos mong ilong at labing mapula

Walang duda, kamukhang -kamuha kita


Kambal ko, hinahanap kana nila

Tutupad ako sa pangako ,iuuwi kita

gaya ng pinangako,uuwi akong kasama ka

tiyak na matutuwa at di na muling iiyak si mama


LIsanin muna natin itong paborito mong tambayan huh?

Tiyak na maiintindihan naman ni lola kung ba't aalis ka pansamantala

Ipinagpaalam na kita, basta bumalik ka raw sa makal'wa

 ikaw kase ang paborito n'yang tagapagbantay nitong mansyon niya



100 Tula #(TLA2018) #Primoawards2018 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon