Salamat sa pagsagip
Sa tuwing ako'y nalulunod sa lalim ng iniisip
Salamat sa pagbibigay ng liwanag
Sa tuwing ako'y nasa gitna ng dilim at ang daa'y di mahanapSalamat sa palaging pagpapaalala
Salamat dahil palaging nand'yan ka
Napaka swerte ko't meron akong ikaw
Sana'y di ka magbago pagdating ng arawAlam kong magulo
Alam kong parehong di pa natin alam ang dulo
Alam kong kapwa pa tayo naguguluhan at di sigurado
Ngunit Isa lang ang alam kong sigurado,Mahalaga ka para sa akin ito'y di magbabagoSabi mo nga, wala namang sigurado
Pero dapat maniwala lang tayo
Hindi natin alam kung sa dulo ba'y aayon ang tadhana
Ngunit isa lang ang ayaw ko, iyon ay ika'y mawalaAlam ng mga bituin sa langit kung gaano ka kadalas sa aking isip
Nakakatawang minsan nga'y naroroon ka hanggang sa panaginip
Ewan, hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito
Basta masaya ka'y masaya na rin ako.-Nag-iisang ikaw (2020)
The Last poem is for youuuu💖
BINABASA MO ANG
100 Tula #(TLA2018) #Primoawards2018
Poetry05-24-18 to 06-08-2020 ✔ Paano ba maging masaya? Simple lang,sumulat ka! Pahirapan mo sila gamit ang iyong mga salita. Patayin mo sila gamit ang iyong mga akda. Most Impressive Ranking #24 in poetry (out of 570 stories) -/06/12/18/ #05 in T...