Take me back to the start

15 0 0
                                    

Topher

Unang araw ngayon ng pasukan. 4th year high school na kami ni Lexzar. Bagong lipat kami ng school. Nilipat kami ng parents namin sa isang public highschool para raw mas maging humble pa kami.

Humble naman talaga kami ah? Di porket anak kami ng mga negosyante kami na yung typical stereotyped na mga anak mayaman. oo mayaman kami pero di namin pinagkakalandakan.

Di naman ako galit na nilipat kami sa public school. No issues sakin. Lalo na kay Lexzar. Medyo nanghihinayang lang kasi kung kelan last year na sa high school saka pa kami lumipat. Sayang yung mga naiwang friends sa dating school.

"Kanina ka pa?" tanong ni Lexzar. Kakarating niya lang.

"O? di bago lang. Tara sabay na tayo maghanap sa section natin." Aya ko sa kanya.

Agad naman kaming pumunta sa harap ng faculty room. Dun kasi nila pinaskil ang sections. Dun din namin nakita kung gaano karami ang mga ka-schoolmate namin. Buti na lang at medyo kaunti ang tao sa 4th year na listahan.

"Tsk." Sabi ni Lexzar.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?"

"Classmates tayo."

"Yes! Buti na lang! pero bat parang di ka masaya na mag ka klase tayo?"

"Nakakasawa ka na kasi"

Wow. Kala mo naman di ako nagsasawa sa kanya.

"Bwiset. Wala ka ng magagawa HAHAHA! Ay teka anong section ba?"

"4-1 nakalagay eh"

"Ganon ba? tara tanong natin sa faculty saan ba banda ang 4th year building. Kailangan rin naman natin kumuha ng mga libro sa custodian. Iisa lang daw kasi sila ng room eh."

Pumasok naman kami sa loob at nagtanong. Kinuha na rin namin ang mga libro namin. Agad naman namin nahanap ang building dahil katabi lang pala ng 1st year building na kinalalagyan din ng faculty room.

Pagkarating namin sa tapat ng room, agad naman naming napansin na maayos naman pala ang mga upuan. Maaliwalas ang classroom. Tama nga sabi nila mama na blessed ang school nato kahit public. Parang private ang dating. Special Science High School kasi kaya madaming funds.

"Tara pasok na tayo." Aya ni Lexzar.

"Teka tabi tayo ha?"

"May choice pa ba ako?"

Pumasok na si Lexzar at nag hanap ng mauupuan. Napili namin ang bandang likuran tapat ng bintana. hindi naman siya gaanong mainit kasi may puno naman sa tapat. Mahangin rin naman dahil tapat namin ang field. Nasa likuran ko si Lexzar.

"Masyado ba tayong maaga? bat parang ang unti pa lang ng mga kaklase natin?" tanong ko kay Lexzar.

Napatingin naman siya sa relo niya.

"8:00. Sakto lang. baka di pa nila nahanap section nila."

Makalipas ang iilang minuto dumating na rin ang iba pa naming ka klase. Napupuno na ang mga upuan sa harapan. Halos lahat sila mag kakakilala na. Kami lang ata yung bagong salta.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon