Hi! It's been a while.

27 0 0
                                    

"Welcome to batch 2013's Alumni Homecoming!"

Si Louie pa lang mag isa. Hindi pa nakakarating ang iba pa niyang barkada. Naisipan naman niyang ichat ang mga ito.

:ANIM-als:
Louie: Hoy! Ako pa lang mag isa! Ano na?!
Sly: Paalis pa ako ng bahay. Malalate ako. Si Archie kasi ayaw akong paalisin. Gustong sumama.
Nelly: On my way! ang cute naman ng baby archie namin talaga. sinama mo na lang sana.
Gian: Malapit na ako. Bakit Nel? ikaw ba mag babantay?
Nelly: Oo naman! alagang tita kaya siya sa akin!
Louie: Sila Topher at Lexzar?
Gian: Nag text na malalate. Alam niyo namang bigatin ang dalawang yon.

Makalipas ang iilang minuto dumating na si Gian at agad na nakipag chikahan kay Louie.  Dumating na rin ng sabay sina Sly at Nelly.

"Louie!!!!!" sigaw ni Sly at Nelly.

Napaakap naman si Louie sa kanilang dalawa. Napangiti naman si Gian habang nakatingin sa kanila.

"Sisters! i missed you! tagal na rin nung huling kita natin" sabi ni Louie.

"Oo nga eh! dalasan naman natin yung get togethers! Nakakamiss kayo masyado eh!" Sagot naman ni Nelly.

"Parang di kayo nag kita last two weeks ago ah?" Sabat naman ni Gian.

"Two weeks is long enough para ma miss namin ang isa't isa. You wouldn't understand. Girls kami eh" sagot naman ni Sly.

Natawa naman sina Nelly at Louie sa bangayan ng dalawa. Nasa kalagitnaan na rin ng program at sa wakas dumating na rin sina Topher at Lexzar.

"My Pamili!!!" Sigaw ni Topher.

Napatingin naman agad ang apat at napasigaw.

"Topeeee!!!!!"

Tumakbo naman agad si Topher para yakapin ang tatlong babae. Halatang miss na miss niya ang barkada.

Nag Hi five naman sina Lexzar at Gian.

"Bro. Iba na talaga si Attorney Lexzar ah!" bungad ni Gian.

"Tumigil ka nga hahaha!" sabay siko kay Gian.

"Lexzar! Ay, i mean Attorney! we miss you~" Sabi ni Nelly.

"Well i don't"

Natawa naman silang lahat sa sagot ni Lexzar.

"O ha?! Kumpleto na ang ANIM-als! sa susunod na plano for get together dapat ganito din ha?" sabi ni Topher.

"Lagi naman kaming kumpleto. Kayo lang naman boys ang hindi pumupunta." sagot naman ni Louie.

"Sadyang natsyempo lang na busy." Sagot naman ni Lexzar.

"Huy kausapin rin naman natin yung ibang kaklase natin baka sabihin na may sarili tayong alumni homecoming dito eh." Sita ni Gian.

At agad naman silang nagpunta sa section nila. Dahil nga Alumni Homecoming, napasarap naman ang kanilang kwentuhan sa kanilang mga kaklase.

Muli nilang binalikan ang mga panahong hindi kailan man nalimutan. Mga pangyayari na nakakatawa, nakakalungot, ang mga away na nangyari sa loob ng klase, ang mga naging mag syota, ang mga nag break, ang mga terror na subject at teachers, lahat lahat.

Natapos na ang program. Di pa kasi nila gustomg umuwi kaya napagdesisyunan naman ng magbabarkada na mag coffee shop muna.

"Haaay, sino ba mag aakala na makakarating tayo ng ganito ka tanda?" Sabi ni Sly.

"Wow naman si Sly o parang nasa 70's na tayo kung makasabi ah" sagot naman ni Topher.

"Hahaha! What i mean is sa dami dami ng napagdaanan natin, who would have thought na we would be this successful adults?"

"Every fall deserves a great reward" Sabi naman ni Gian.

"Good job to ourselves" Sabi naman ni Louie.

"Natatandaan niyo pa ba nung una tayong naging magkaibigan? Kung paano nabuo ang ANIM-als?" Sabi ni Nelly.

"Dahil sa akin!" Sabat naman ni Topher.

Natawa naman silang lahat sa sinabi ni Topher. Tama rin naman kasi siya. Hindi mabubuo ang kanilang barkada kung hindi dahil sa pangungulit niya.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon