Teenage Dream

6 0 0
                                    

Sly

December na. Ibig sabihin Christmas break na namin. So far sa pagkakapanalo ni Brian sa SSG elections eh smooth sailing naman. Maraming studyante ang pabor sa mga project na ginagawa nila.

Medyo nawawalan na nga ng oras si Brian sa akin. Pero naiintindihan ko naman yun. Nakikita ko kasing masaya siya sa paglilingkod sa mga studyante at gusto niya lang matupad hindi man lahat ang mga platapormang pinangako nila.

Siguro kapag nagtatrabaho na siya, napaka workaholic siguro ni Brian. Ang sexy naman isipin hahaha!

Nagkaka oras pa rin naman siya sa akin pero mas madalas nasa SSG Office siya. Yung dates namin, aminado ako, nauuwi lang sa sex. Hindi naman sa hindi ko gusto. Pero kasi parang yun na lang lagi? Pero ch-choosy pa ba ako? Atleast may oras siya sa akin. Naraamdaman ko parin naman na mahal niya ako.  At gusto ko rin iparamdam yun sa kanya.

Maalaga pa rin siya sa akin. Bago ako matulog nakakapag usap pa kami. Minsan magka text kahit alam kong busy siya.

Nasa mall ako ngayon. Hinihintay ko si Brian. May date kasi kami. Siya mismo ang nag aya.

"Ahh!" nabigla naman ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Kanina ka pa?" bungad ni Brian sabay ngiti ng malapad.

"Hindi naman. Sakto lang. Saan ba tayo magd-date?" tanong ko sa kanya.

"Kain muna tayo tapos nood tayo ng movie. Bili muna tayo ng tickets para diretso pasok na lang later"

"Ay nice! Gusto ko yan."

Magkaholding hands kaming bumili ng ticket. Tapos siya na rin ang pumili kung saan kami kakain.

"Dito na lang tayo. Baka kapag ikaw pumili mag away pa tayo. Di ka pa naman agad makapag decide anong gusto mong kainin"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Eh ganyan kaming mga babae eh! Kapag tinanong kung saan kakain isasagot KAHIT SAAN hahaha!

"Ako na lang oorder hanap ka na lang ng table natin." sabi ko kay Brian.

"Sure ka? wag tagalan sa pag pili ha? hahaha!" tawang tawa niyang sabi.

"Opo mabilis akong pipili"

Umalis naman siya agad para makapag hanap ng table. Agad naman akong namili ng kakainin namin. Hindi naman mapili si Brian sa pagkain kaya okay lang kung ako ang oorder para sa kanya.

Pagkakuha ko ng food namin, agad ko siyang hinanap. Medyo maraming tao ngayon kasi syempre christmas break na kaya punuan talaga lahat ng kainan.

Nasa bandang dulo naman nakahanap ng table si Brian.

"Buti nakahanap ka agad ng mauupuan. Ang dami pala talagang tao ngayon" sabi ko habang inaabot sa kanya ang pagkain niya.

"Saktong may natapos kumain eh. Atsaka gusto ko medyo may privacy tayong dalawa" sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Pilyo ka talaga. Nasa harap po tayo ng pagkain o?"

"Sayo lang naman babe" sabay kindat sa akin.

Haaaay, bat ba kasi ang gwapo nito? Naaakit ako lalo. Habang kumakain, napansin kong panay ang tingin ni Brian sa likuran ko.

"Ano bang meron?" tanong ko sa kanya.

"Diba si Gian yun?"

"Saan?" napalinga linga naman ako sa paligid.

Sinundan ko ang mga tingin ni Brian.  At oo nga! si Gian! nasa loob naghuhugas ng pinggan! Nagtatrabaho siya dito? Diba di pa pwede? underaged pa kami ah?

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon