Mark my words

6 0 0
                                    

Topher

"Tayo dun sa gilid kasama ng iba pang matitigas ang ulo" sabi ng Principal pagdating ko sa tapat ng school gate.

Wala namang mali sa suot ko ah? Naka black shoes ako. Complete uniform. Nakapagtataka naman.

"Sir, c-complete uniform n-naman po ako. Ano po bang mali ko?"

"Sigurado ka ba iho? Complete ka?"

Tumango naman ako.

"I.D" sabi ng Principal

"Meron po! Nasa bag ko-" napatigil naman agad ako.

Ay! naman tope! tanga tanga! Nakakahiya! Complete uniform?! hindi naman suot ang ID! Syet.

"Basa" sabi ng Principal sabay turo sa naka paskil sa may gate.

"No ID, No Entry"

"O. Pasalamat ka pa nga papapasukin pa kita. Tayo dun bilis!"

Agad naman akong tumayo sa gilid kasama ng iba pang nasita. Ano ba naman yan pangalawang araw ko pa nga lang Principal na ka agad. Laking bilin pa naman nila Sly na iwasan ang Big 3.  Tsk!

Habang nakatayo ako sa gilid, nakita naman ako ni Louie. Kakarating pa lang niya. Agad naman niya akong tinawag ng palihim.

"Ginagawa mo dyan?" senyas ni Louie.

"Di ko sinuot ID ko."

Halata naman sa mukha ni Louie ang pag aalala. Sumenyas naman siya na mauuna na siyang pumasok.

Pero bago pa man siya naka alis sumenyas ako ulit.

"Sabihin mo kay Lexzar pakopya ng assignment sa science!"

Sumenyas naman siya ulit na siya na lang daw ang gagawa. Bait talaga ng new friends ko!

Mayamaya pa sinabihan kami sa pumasok sa Principal's Office. Syempre pinagalitan kami. Pangalawang araw pa nga lang daw ganito na.  Pagkatapos naming ma sermonan, pinabalik na kami sa mga klase namin. Malapit na rin kasi mag simula ang first subject.

Hingal na hingal naman akong dumating sa classroom. Pagkaupo ko agad namang inabot ni Louie ang papel ko na assignment sa science.

"Hala! nakakahiya naman! Ako na lang sana nag sulat Louie!"

"Ano ka ba okay lang."

"Thank you talaga" Mangiyakngiyak kong sabi.

"Na principal ka?" tanong ni Lexzar.

"Oo huhuhu" sabay akap sa kanya.

"Ano ka ba! Diba kakaorient lang namin sa inyo kahapon?! Iwasan ang Big 3?!" sabi naman ni Nelly.

"Nakalimutan ko kasi isuot ang ID. Nasanay kasi ako sa dating school namin na okay lang na mag suot sa loob ng classroom huhuhu!"

"May record kana. Kahit matanda na si principal natatandaan niya parin yung mga naprincipal's office." sabi naman ni Sly.

"Ah! kaya pala lagi kang nasisita last year kahit wala ka namang ginagawa Sly?" tanong naman ni Gian.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon