Through Thick and Thin

4 0 0
                                    

Louie

Hinatid na ako ni Lexzar sa bahay. Tahimik lang kami sa buong byahe. Hinimatay kasi ako kanina kaya eto sila ngayon super worried sa akin. Okay na rin naman ang pakiramdam ko pero nag pumilit parin silang ihatid ako.

Nalaman ko tin na may nakasuntukan si Lexzar kanina. Sinabi ng nurse sa akin na napunta siya ng clinic dahil sa putok na labi. Sabi pa ni nurse na kaya siguro nasuntok si Lexzar dahil pinag usapan ako ng mga kaklase ko at hindi niya nagustuhan yung pinagusapan sa akin.

"Ano ba nangyari sa bibig mo?" tanong ko sa kanya.

"Nadulas ako kanina" sagot niya.

"Grabe ang sahig nanununtok" sagot ko sabay tawa.

Napatingin naman siya sa akin. Hindi siya nag salita pero alam kong alam na niya na nalaman ko ang kwento kay nurse.

"Hindi mo naman kailangan gawin yun." sabi ko sa kanya.

"Eh nakakainis sila eh."

"Hinayaan mo na lang sana. Totoo rin naman kung ano man yung mga pinagsasabi nila"

"Sanay naman ako" dagdag ko pa.

"WELL I'M NOT!"

Nagulat naman ako dahil sa pagsigaw ni Lexzar. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Hindi naman madaling magalit si Lexzar. Kahit na may nakakainis na pangyayari hindi siya agad nagagalit.

"Bat mo hahayaan? Bat mo sasabihin na totoo lahat ng sinabi nila? kasalanan na ba ngayon na maging mataba? eh sa may pambili ka ng pagkain eh! bawal ba?! WHY WOULD YOU LET THEM BODY SHAME YOU?!"

Hindi naman ako nakasagot agad. Napayuko na lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Totoo naman kasi. Sanay na akong mapag usapan lalo na dahil sa itsura ng katawan ko at sa timbang ko. Hindi naman sa na immune na ako pero mas pinipili kong wag na lang pansinin dahil ako lang rin naman ang mahihirapan.

"I never thought na I would get this kind of reaction instead of a Thank you." sabi ni Lexzar.

Napatingin naman agad agad ako sa kanya. Tama nga siya. Instead na mag thank you ako kasi pinaglaban niya lang naman ang kaibigan niya ganito pa isusukli ko. Pero kasi nakokonsensya ako. Dahil sakin nasuntok siya sa mukha.

"H-hindi naman s-" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko agad kasi siyang tumingin sa labas ng bintana kaya akala ko hindi na niya ako gusto pang kausapin.

Nasa tapat na kami ng gate ko. Lumabas na ako ng kotse. Pero bago ko pa man iyon sinara

"Thank you" mahinang sabi ko. Hindi pa rin niya ako nilingon. Hindi ko rin alam kung narinig ba niya ang sinabi ko.

Pumasok na agad ako sa loob ng bahay. Kinamusta naman agad ako nila mama at papa. Hindi sila makapunta para sunduin ako kanina dahil abala sila sa trabaho. Tinawagan nila ako para kamustahin. Sinabi ko rin naman na okay na ako at di na nila kailangan pang magmadali sa trabaho. Sayang ang kita kung makakaabsent sila.

"Inatake ka na naman ba kanina?" tanong ni papa.

Bata pa lang ako alam na nilang may phobia ako sa tuwing makakaharap ako ng maraming tao lalo na kapag kailangan kong mag perform. Panic attacks kung baga

"Bakit di mo agad sinabi na inaatake na ka na naman pala? pwede naman naming sabihan ang adviser mo na hindi ka na lang isali" sabi pa ni mama.

"Unfair naman po kasi sa ibang kaklase ko ma. Ayoko din na may masabi pa sila sa akin kung mag papa excuse ako. atsaka di yun panic attack ma, over fatigue sabi ni nurse. Ilang araw na din kasi akong late na matulog dahil sa practice tapos nag aaral pa for the exams sa susunod na week"

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon