I got these beliefs that I think you want to break

4 0 0
                                    

Nelly

"A-ate Nelly!"

napalingon naman ako agad sa direksyon kung saan may tumatawag sa akin. Nasa mall ako ngayon. Ililibre daw kasi ako nung 3rd year na tinulungan ko nung nakaraang araw.

Lately ko lang din nalaman na Trisha ang pangalan niya. Transferee siya from Davao.
Dali dali naman akong lumapit sa kanya.

"Uy di mo naman ako kailangan i treat ano ka ba HAHAHAHA!" tawang tawa na sabi ko.

"Grateful lang ako kasi tinulungan mo ako ate. Dahil transferee ako medyo nahihirapan pa akong mag adjust. Kaya nung tinulungan mo ako ang saya saya ko"

Napa smile naman ako sa sinabi niya. Napakaliit na bagay lang nung pagtulong ko pero malaki na para sa kanya.

"Sige na nga di na ako tatangi sa libre HAHAHA! Saan mo ba ako pakakainin?"

Natawa naman siya sa tanong ko.  Agad naman niya akong hinila sa isang mamahaling resto.

"Hala teka di ba mahal dito? Binabalaan kita wala akong pambayad! Wag kang makikipag share sa akin! Ayoko manghugas ng pinggan!" babala ko sa kanya.

Natawa lang siya at agad na nag hanap ng mauupuan. Habang nag dadalawang isip akong tumuloy dahil baka makapag hugas nga talaga ako ng pinggan.

Nung nakahanap na siya ng table, agad naman akong sumunod. Ang lakas lang ng kabog ng dibdib ko. Swear wala talaga akong pambayad! Super mahal ng resto na to!

"Ate Nelly don't worry! Sagot kita remember?" Natatawang sabi ni Trisha

"Gaga sino bang hindi mag aalala eh ang mahal kaya ng resto nato? Paano mo maafford?" tanong ko sa kanya. Offensive man pakingggan pero syet lang mga beh! Papaano?! Aber?!

Tinawanan niya lang ako. Tinawag na niya ang waiter at agad na kinuha ang menu. Inabutan niya rin ako ng isa.

"Uy Trisha di magandang joke to seryosong ikaw mag babayad ha?"

"Ano ka ba ate oo nga kasi! Sige na ano ba o-orderin mo?"

Napatingin naman ako sa menu. Alin ba ang pinakamura dito? Yun na lang oorderin ko. Habang busy ako sa pag pili ng pinakamura, Umorder naman si Trisha ng pinakamahal.

"O ano sayo?" tanong niya

"Ahh e-eto na lang." sabay turo sa spaghetti na picture.

"Huy ano ka ba edi sana nag jollibee na lang tayo kung yan lang din naman kakainin mo?" natawang sabi niya

Pwede ba?

"Hindi wag yan. Kuya dalawahin mo na lang yung ino-order kong Aglio Olio Pasta" sabi niya sa waiter.

"Ok. Would that be all maam?" tanong ng waiter

"Hmm, please add na lang ng bread and 2 cheesecakes for dessert" sagot ni Trisha

"Ok maam" sabay alis ng waiter.

Napanganga naman ako sa dinagdag ni Trisha! Mali atang nag palibre ako sa kanya. Mukhang mauubos allowance nito sa buong buwan eh!

"Huy mapapasukan ng langaw yang bibig mo sige ka" saway niya.

"Ahhh! Ewan! Basta sinabihan na kita wala akong mabibigay kapag nakipaghati ka sa bayad"

Dumating na rin yung mga inorder ni Trisha. Masarap naman talaga dito sa resto nato. Kaya nga mahal eh. Habang kumakain, nakwento rin ni Trisha na kaya niya pala ako dito nilibre kasi anak lang naman siya ng may ari nitong resto!

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon