No More Dream

4 0 0
                                    

Topher

"So how's school?"

Tanong ni mommy while we're having our dinner dito sa bahay. Kumpleto kami lagi kapag naghahapunan.

"School's great. Naka adjust na rin naman ako. I have good friends." sagot ko sa kanya.

"Actually mom Topher had to cancel his plan on accompanying his friend because I asked him to join me shopping. He got so mad about it nagmamaktol pa siya sa mall. That's how well adjusted he is with his new environment" Natatawang sabi ni ate Elisse.

Natawa naman si daddy at mommy sa sinabi ni ate.

"Well that's good! Mabuti nga at naka adjust ka na agad. Your mom and I thought na maybe it was a wrong decision to transfer you sa isang public school but i guess you're doing great." Sabi naman ni dad.

"And your plans? malapit na kayong mag graduation. What do you want to take in college ba?" Tanong ni mommy.

To be honest, hindi ko pa din alam. I don't know I guess I am not in a hurry to finish my schooling. Mayaman naman kami and for sure ako rin naman ang hahawak sa negosyo ni papa soonest so why do I have to go to college pa diba? dun lang din naman bagsak ko.

Hindi ko pa rin nasasagot ang tanong ni mommy sa akin.

"Don't tell me you don't have plans yet?" tanong ulit ni mommy.

Hinawakan naman ni ate ang kamay ni mommy.

"Ma don't worry. Topher is still young. There's still 4 months left. Makakapag isip pa yan. Si Tope pa?"

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Ayoko kasi yung pinepressure ako lalo na sa college.

"Topher I don't like you thinking of not going to college dahil alam mong sayo ko rin ipapamana ang mga negosyo. I still want you to finish a degree dahil aanhin mo naman ang negosyo kung wala namang tinapos? Hindi panghabang buhay magiging successful ang negosyo anak. There will be a time na babagsak yan. Kaya mas mabuting may degree para may fall back ka. Try getting courses that are related to running a business."

Natapos na ang dinner at parang hindi ako matutunawan sa mga kinain ko. Umakyat agad ako sa kwarto ko at tinawagan si Lexzar. Gusto ko mag unwind tonight. Alam naman nila mommy at daddy na umiinom na kami nila Lexzar. Malaya rin kaming nakakapasok sa mga bars dahil sa connections ng pamilya namin.

"Bro you free? chill tayo"

"At the gym. May problema ba?" tanong ni Lexzar.

"Kakagym mo mag mumukha kang si Jonny Bravo niyan sige ka! Labas ka na dyan bilis! The usual ha? bye"

Binaba ko na agad ang call at nag bihis. Kinuha ko ang susi ng kotse ko. Friday night ngayon kaya okay lang na mag drive ako.

Pagkadating ko sa kung saan madalas naming tambayan ni Lexzar para mag inuman, agad akong umorder ng isang bucket. Makalipas ang 30 minutes dumating na rin si Lexzar.

"Ano bang problema?" tanong niya ng makaupo na siya.

Inubos ko muna ang isang bote ng beer bago ko siya sinagot.

"Yun pa rin. Kung ano ba daw kukunin ko sa college. To be honest na p-pressure ako. Buti sana kung kasing talino mo ako diba? Edi sana di ako mahihirapan mamili ng course ko"

November na ngayon. 4 months na lang g-graduate na kami sa High school. Kinukulit na rin kami ni Sir Raul na mag pasa ng kukunin namin na college course para matulungan nila kami kung dapat ba ito ang course na kukunin namin.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon