You got me higher than the drugs

1 0 0
                                    

Sly

"Uy Gian! Pauwi ka na?" tanong ko sa kanya ng maabutan ko siya sa gate ng school.

"Hindi pa" matipid niyang sagot

"San ka ba pupunta?"

"Sa mall"

Sa mall?! Di naman mahilig mag mall si Gian ah?!

"May ka date ka?! Oh em!!! So happy for you!" Sabi ko sabay hampas sa balikat niya.

Agad naman siyang sumakay ng jeep. Nakakainis talaga yang lalakeng yan! Kinakausap pa nga biglang aalis! Kung di ko lang talaga kaibigan matagal ko na siyang nasapak!

"Tara na para matapos na natin yung speech ko para bukas" Aya ni Brian sa akin.

Sasama ako ngayon sa kanya sa bahay nila para tulungan siyang gumawa ng speech. Di naman talaga niya kailangan ng tulong alam ko namang kaya niya na yun. Pero kasi sabi niya tulungan ko pa rin siya para mas tumaas oras namin sa isa't isa.

Grabe lang. Magkasama pa kami pero miss niya na ako agad HAHAHA!

Magkahawak lang kami ng kamay habang papunta sa bahay nila. Malapit lang naman sa school pero kailangan sumakay ng tricycle.

Nang makarating na kami sa bahay nila, napansin ko kaagad na walang tao.

"Nasan ba mama at papa mo?" tanong ko.

"Si mama OFW nasa kuwait. Minsan sa tatlong buwan lang kung makauwi. Si papa naman Jeepney driver. Mamaya pa yun makakauwi." sabi niya.

"Pano yung dinner mo?"

"Bumibili lang ako dun sa karinderya. Minsan naman nag no-noodles lang para mas madali"

Nagkaroon naman ako ng bright idea! Ako magluluto ng dinner niya tonight! Buti na lang marunong akong magluto! Iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Para kaming bagong kasal.

"Tara pasok na tayo." Habang binubuksan niya ang gate.

Pag pasok namin sa loob agad ko namang nilibot ang mga mata ko sa bahay nila. Simple lang naman bahay nila. Pero halatang may naipupundar na dahil sa pag tatrabaho ng mama niya sa ibang bansa.

Nakita ko din ang mga nakasabit na picture frames nila. Tiningnan ko ang isa sa mga picture na nakasabit sa dingding nila. Picture yun ni Brian. Siguro mga nasa 7 years old pa siya. Napakacute niya sa suot niyang jumper. Naka peace sign pa siya sa picture.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod. Ang lakas ng kabig ng dibdib ko dahil sa ginawa niya. Nararamdaman ko rin ang huninga niya sa leeg ko.

"Ang cute ko ba diyan?" tanong niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Totoo naman kasing ang cute niya dito.

"Super cute ng boyfriend ko dito" sabay psil sa kanang pisngi niya.

Natawa naman siya at agad na hinarap ako sa kanya. Ganon lang kaming dalawa nakatingin sa isa't isa habang nakangiti na parang nasisiraan ng mga bait hahaha!

"Gutom ka na?" tanong ko sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya.

"Pagluluto mo ako?"

Tumango naman ako. Napangiti siya ng malapad kitang kita na kinikilig siya.

"Feeling ko mag asawa na tayo HAHAHA!"

"Ano ba meron diyan sa ref niyo?" tanong ko sa kanya.

"Hmm, tubig?" sabay tingin sa ref nila habang yakap yakap pa rin ako.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon