Strawberries and Cigarettes

3 0 0
                                    

Nelly

Ilang araw na akong sinusubukang kausapin ni Trisha pero iniiwasan ko siya. Napapaghalata na rin niya siguro kaya heto siya ngayon. Nacorner lang naman niya ako.

Kakagaling ko lang kasi ng canteen at paakyat na ng hagdan ng magkasalubong kami.

"Ate Nelly iniiwasan mo ba ako?"

Nabigla naman ako sa tanong niya. Hindi naman ako agad makatingin ng deretso sa kanya dahil ayoko namang aminin na talagang iniiwasan ko siya.

"H-hindi! ano ka ba? HAHAHA! Medyo busy lang kasi talaga. S-Sige h-ha? u-una na ako" akmang hahakbang na ako kaso hinarangan na naman niya ako.

"Iniiwasan mo nga ako" halata naman sa boses niyang ang pagkalungkot.

"May nagawa ba ako?" tanong ulit nito.

"W-wala. Bat mo naman n-nasabi yan?"

"Kasi iniiwasan mo ako. Ayaw mo na ba ako maging kaibigan? May nasabi ba akong naka offend sayo?"

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanyang napapanaginipan ko siyang nag co-confess ng feelings niya sa akin.  Nakakahiya! Baka ano na lang sabihin niya diba?!

Sakto namang nag bell kaya agad akong kumaripas ng takbo pabalik ng room. Naiwan siya don sa hagdan. Nagtaka naman sila Louie at Sly dahil hingal na hingal akong bumalik sa classroom.

"Huy napano ka?" tanong ni Sly

"Naghabulan ba kayo ni Tope?" tanong ni Louie

Hindi ko sila sinagot at agad na umupo sa upuan ko. Saktong dating rin nila Topher at Lexzar galing CR.

"Hoy anong ginawa niyo kay Nelly? bat namumula at hinihingal to?" usisa ni Sly sa kanilang dalawa.

"Wala. Bakit ba anong nangyari?" tanong ni Topher.

"Ewan basta pumasok lang yan siyang ganyan." Sagot naman ni Louie.

"Uy si Ma'am Salvo na! Pataaay di ako nag aral syet!" Sabi ni Topher.

"Peborits ni Tope na subject HAHAHA!" Natawang sabi ni Sly.

"Kaya pala peborits din na student ni maam HAHAHAHA!" Kutya naman ni Louie.

"O sige pagtulungan niyo ako hmp!"

Nagtawanan naman silang apat maliban kay Topher. Hindi ako masyadong sumabay sa biruan nila dahil binabagabag pa rin ako ng pangyayari kanina.

Bat ganun itsura ni Trisha? Bat ganun naging reaksyon ko? At bat ako namula?! Bat ba ako bothered?!

Nagsimula akong magka ganito pagkatapos akong librehin ni Trisha sa resto nila. Hindi naman sa ayaw ko ng maging kaibigan si Trisha. Ewan ko nga ba sa sarili ko! Wala naman talagang dapat ika-iwas sa kanya pero kasi sa tuwing naiisip ko ang mga napapanaginipan ko tungkol sa kanya ewaaaaan! Nakakahiya ang sarili ko!

Lunch time na at sabay sabay kaming anim kumain. May mga baon kaming lahat kaya sa room na kami lumagi.

"Uy bat parang di na kayo masyadong nag uusap ni Trisha?"

Muntik na akong mabilaukan sa tanong ni Sly.

"Oo nga, nakakapagselos nga minsan kasi sila halos magkasama noong mga nakaraang buwan" pagtatampong sabat ni Louie.

"H-ha? HAHAHAHA! Wala lang. Medyo busy rin kasi tayo ang dami na kasing dapat ipasa atsaka lapit na nating gruma-duate diba? so ayun dito ako lagi ngayon hahaha! wag ka na mag tampo Louie ikaw pa rin naman bestfriend ko" Sabay yapos sa braso niya.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon