SELOS

3 2 0
                                    


KABANATA 3

Lolo: ang bango naman ng apo ko, san ka pupunta? (tanong ng maabutan nya itong palabas.)
Roy: dito lang po. (sabay takbo at di na pinagkaabalahan pang kausapin ang matanda.)

"tao po!!!" tawag ni Roy sa bukas na pinto at sumilip din naman kaagad ang yaya ni Jesi.

Yaya: oh Roy wala kasi sila Rey, ako lang dito.
Roy: si Jesi ho?
Yaya: wala din lumabas kasama si Andi.
Roy: si Andi? San naman daw  po punmunta?
Yaya: di ko alam eh ang alam ko basta mamamasyal sila. Lagi naman lumalabas yung dalwang yon eh.
Roy: ganun ba? Sige ho! Babalik na lang ako. (bagsak ang balikat at matamlay na umalis ito.)

Bumalik si Roy ng sumunod na araw ngunit di na naman nya ito naabutan.

Mama ni Roy: nak!!!

Palabas na sana si Roy pero lumingin ito sa ina at nilapitan sya.

Mama ni Roy: san ka pupunta? Anung merun at bihis na bihis ka at tsaka. (bahagyang lumapit para amuyin ang anak.) pinaligo mo na yata yang pabango jn sa katawan mo. May ka date ka ba?
Roy: wala po mah! Dyan lang ako sa tambayan.
Mama ni Roy: di pa nga tayo nagaalmusal.
Roy: mah! Tapos na po. Nakaluto na po ako. Sige po.
Mama ni Roy: eh pero nak masyado naman ata maaga para magtambay at ganyan pa ang ayos mo
Roy: sige na po mah.

Yun lang at tinakbuhan na sya ng anak.

Kumatok ito sa pinto. Saktong pinagbuksan sya ni Rey.

Rey: wow tol san ang lakad ha?
Roy: wala...ahhhhh. (pasimpleng sumisilip sa loob. Kaya lumingon si Rey na nagtataka.)
Rey: bakit nanghahaba yang leeg mo sino bang hinahanap mo?
Roy: si Jesi tulog pa ba?
Rey: sya ba? Maagang umalis kasama si Andi magsisimba daw, bakit kasama kaba nila? (tanong na di sinagot.)
Roy: sige tol. (sabay talikod at naglakad pauwe.

"nak lika na kain na tayo." yaya ng ina sa anak na nakaupo sa kama dun sa kwarto nya. Pero di yun sumagot tila walang nakikita at naririnig.

Pano Bc sa pagiisip kina Jesi at Andi. Di nya rin maintindihan ang sarili kung bakit malungkot sya. Wala syang maisip na dahilan basta gusto lang nyang magmukmok.

Mama ni Roy:  nak!!! (tawag muli na mejo malakas na. Napansin na yon ni Roy.)
Roy: oh mah! Kanina ka pa dyan?
Mama ni Roy: ou ano bang problema mo at nitong mga huling araw eh di ka mapalagay at laging umaalis. Pagbalik mo naman ang lungkot mo. Tapos ngayon lagi ka nagkukulong dito.
Roy: wala mah! ( bumuntong hininga.)

Ang ina alam nyang may problema ang anak at di un masabi.

Mama ni Roy: oh sya kumain na tayo at pupunta pa ako sa bayan para kumuha ng perang pinadala ng papa mo.
Roy: opo....

Samantala...

"oh mabuti naman at nandito ka." sabi ng ina ni Rey pagdating nila galing bukid. Si Jesi ang sinasabihan nito na nakaupo nun at nakadungaw sa bintana.

Mama ni Rey: nitong nagdaang araw lagi ka na lang lumalabas kasama ang Anding yon. Pilyo ang  batang yon kaya wag mo muna sasagutin baka paiyakin ka lang. (tumawa si Jesi sabay mano.)

Si Rey ay lalampasan  na sana sya ng biglang maalala si Roy.

Rey: nagkita na ba kayo ni Roy?
Jesi: hindi. (nagtataka na sumagot.)
Rey: nung isang araw maaga syang pumunta dito naiwan nyo yata sa pagsimba ni Andi.
Jesi: haa!!'di ko alam tsaka wala naman syang sinabi sasama sya at matagal ko na syang di nakakausap.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon