PAALAM

5 2 0
                                    


KABANATA 4

Parang awa nyo na tulungan nyo po kami pakiusap. Halos lumuhod sa pakikiusap si Alex habang pinatutulakan sya sa isang gate ng mansyon. Nang masinagan ng ilaw mula sa kotse sa likuran ay humarang pa ito sa gitna pero derideritso lang yun habang kumakatok sya sa bintana ng kotse.

"sino yun?" tanong ng dalagita sa loob ng kotse. "di ko po alam ma'am." di na umimik at lumingon na lang sa babaeng pinagsasarhan ng gate.

Isang umaga.

Malakas na tunog ng alarm clock sa uluhan nya ang gumising sa kanya kahit inaantok pa ay pilit na bumangon. Pagkalock ng pinto sa kwartong inuupahan ay dali-daling bumaba sa sampong baitang na hagdan ng apartment na yon. Binati pa ang tenant na naglolock din ng isang kwarto sa baba.

Pagkasuot ng hair net at afron ay tumungo si Alex sa mga costumer. Nang makuha ang order ay bumalik sa kusina.

Work mate: friend alis muna ako ha.
Alex: san ka pupunta?
Work mate: may imimet ako. Bye!!! (sabay beso at tumalikod agad.

"hay eye-bag na naman" umiiling-iling na sabi ni Alex.

Kinahapunan nagtataka na huminto si Alex sa harap ng apartment. Sinusundan lang ng tingin ang dalawang boy na may mga dalang gamit. Ipinapasok sa kwartong nilock kanina ng may-ari ng apartment. Madami din gamit nakababa muka sa truck. Imposible namang pinabalik eh wala ngang pambayad. Dahil walang mapagtanungan lumakad na lang ulit patungo ng hagdan.

Umuunat habang humihikab si Alex sa harap ng study table nya ng gabing iyon. May tinatapos ito para sa last cemester. Nasa huling taon na ito sa kursong kinuwa nya. Pero hindi ang antok o pagod ang problema nya. Kundi ang naririnig na ingay sa baba. Mukang pinagsamasamang tunog ng instrument. Pero hinayaan na lang ito. Hinayaan ng hinayaan kasabay ng paglipas ng araw.

***

"miss Zandoval" tawag ng guro na nasa unahan ng classroom. Di yun narinig ng nakapikit na dalaga. Sa pangalawang tawag bahagyang sinipa ang paa ni Alex ng kaibigan nito.

"huy Alex" bulong ng nasa likuran lang ni Alex.
"ay diyos ko. " sabi ng maalipungatan. At nasa harap na nya ang terror na teacher nila.
"see you in my office." sabay talikod. Napakagat labi na lang sya at tumingin kay Mandy.

Mandy: napansin ko lagi kang puyat lately. (bungad ni mandy sa pinto ng office pagkalabas ni Alex.) Eh ilang oras lang naman ang pasok natin at half day ka lang din sa karenderia namin. Anung pinag pupuyatan mo ha?
Alex: pano naman kasi gabi gabi na lang maingay sa apartment, parang may party lagi.
Mandy: eh anong meron??
Alex: ung bagong lipat kasi sa baba laging nagtutugtugan. (patuloy na kwento habang naglalakad.)

***

Madaming tao, maingay at may kadiliman ang paligid sa loob ng bar na pinasukan ni Mandy. Naupo ito sa bandang sulok at sinasabayan ng bahagyang pag indak ng ulo ang tugtog ng isang banda sa intablado.
Maya maya pa ay may isang lalaking naupo at mamaya din ay nagyayang sumayaw ang binata. Sa umpisa ok pa at nag eenjoy sa pagsayaw si Mandy pero napapansin nito ang kamay ng lalaki na panay ang hawak sa pwet nya. Ng pasimpling hahalikan na sya nito ay agad itinulak at malakas na sampal ang ginawa.
Mandy: BASTOS!!! anong tingin mo sakin cheap?
Binata: oh c'mon wag ka ng magpakipot, eh kaya ka nga nandito ngaun. Para maglandi diba?
Mandy: di ako kagaya ng iniisip mo no!
Binata: dyan ka na nga. (sabay talikod.)

"ang labo nya. " naiiling na napahawak sa pisngi. "ang sakit nun ah. Ngaun lang ako nasampal masakit pala talaga. Nakangiti na sabi. Tsaka muling humarap sa grupo ng mga babaeng sumasayaw.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon