SEKRETO

2 1 0
                                    


Kabanata 9

Makalipas ang tatlong araw. Alas tres na ng madaling araw. Kakarating palang ni Alex sa apartment ng maabutan ito ni Roy. Di pa nga sya nakakatapak sa hagdan.

Alex: oh Roy san ka galing ilang araw ka din nawala? (agad na sabi ng malingunan ang binata)
Roy: sa laguna nagkasakit kasi lolo ko.
Alex: ganun ba. Sya nga pala binayaran ko ung upa. Naningil kasi si Ate eh wala ka naman. Ok na un wag mo na bayaran ha. Kulang pa nga un sa utang ko sayo.
Roy: ganun ba sige salamat. San ka galing madaling araw na ha?? (tanong ng mapansing nakabihis pa ang dalaga)
Alex: dyan lang. (sabay talikod)

Medyo Nataranta. Dahil nagaalala na baka maghinala na naman si Roy at magtanong pa ng kung ano ano. Pero di naman na tagala sya nagtatrabaho sa club. Lumabas lang talaga sila ni Mandy. Dinala sya nito sa bar kung saan nakita ni Mandy si Lloyd. Nagbabakasakaling nandun ang binata. Ngunit tama ang kutob ni Alex.

Roy: nagtatrabaho kaba sa club? (napalingon si Alex at bumuntong hininga)
Alex: ou (matapang na sagot)
Roy: di nga? Ung totoo parang napansin kasi kita sa isang beer house. Pinapaniwala ko ung sarili ko na hindi ikaw un. Pero di ko maiwasang maghinala lagi ka kasi umuuwi ng ganitong oras. At ang dami mo pang pera. Sorry kung na opened kita pero pag sinabi mong hindi maniniwala ako.
Alex: sige di na ako magsisinungaling tama ka nagtatrabaho nga ako dun. Masisisi mo ba ako. Eh hirap na ko. Di ko na alam ang gagawin ko  kung saan ako tatakbo. Pero umalis na ako dun.
Roy: madami namang trabaho wag mong sirain ang buhay mo.
Alex: ok lang wala naman akong pamilya. Sarili ko lang kaya wala akong proprotektahan.

Sabay pahid ng luhang di napigilan. Dahil sa concern na ipinakita ng binatasa kanya. Ngaun lang kasi may ibang taong nagaalala para sa kanya.

Alex: tsaka tapos na. Bayad na ako sa school. Magcloclosing na rin. Pero baka bumalik pa ako dun di ko na rin kasi talaga kaya ung ganito. Dun pwede akong makahanap ng mayamang tao pweding makaahon sa akin sa kahirapan.
Roy: kalokohan yan. Sisirain mo lang ang buhay mo, ang kinabukasan mo. Kaya wag mo ng balakin di kita papayagan. (galit ang tono)
Alex: magkaibigan lang naman tayo. Di kita boyfriend at lalong di kita tatay o kuya para kontrulin ang buhay ko. Salamat sa concern. (sabay talikod)

Pumasok to ng kwarto agad nahiga. Sinadya nyang awayin ito para matakpan ang pagkapahiya nya. Kaya nga sya tumigil kasi tama si Roy at alam nya sa sarili na wala na syang balak bumalik dun.

***

Kinabukasan

Lloyd: brod kain muna tayo. (inihinto sa tapat ng karenderia ang kotse)
Roy: oh sige pero wag dito. Sa iba na lang.
Lloyd: dito na. (nagtanggal ito ng set belt) nandito na rin naman tayo eh. (sabay na lumbas sa unahan ang dalawa)
Roy: pero pangit kasi dito.
Lloyd: eh nakakasawa naman sa chinese restaurant. bakit ba parang may ayaw kang makita ha.?
Roy: wala. Sige dito na.

Sabay na pumasok ang dalawa. Tulad ng sabay ding pagtingin nila Alex at Mandy sa kanila. Nagkatinginan ng makahulugan ang dalaga bago binalik ang tingin kay Lloyd.

Mandy: bakit kasama si Roy? (agad na napansin. Nalipat tuloy ang tingin ni Alex kay Roy)
Alex: ou nga ano. Magkakilala pala sila. Mandy yuko kunwari di mo sila nakita.

Ang papayuko na sabi ni Alex ng makitang titingnan na sya ni Roy. Sumunod naman si Mandy. BC BChan ito pero walang lumalapit sa dalawa.

"aba Alex may costumer dun sa dulo" puna ng ina ni Mandy. Nagtinginan ang magkaibigan at bago pa lumakad si Alex ay dinilaan ito ni Mandy na nakangite pa.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon