FIRST TIME

25 2 0
                                    


Kabanata 1


Apat na lalaki ang naglalaro ng basketball sa court ng maliit na baryong iyon. Napahinto ang tatlo ng makitang may huminto na kotse sa tapat ng bahay na malapit sa court, nagtataka sila dahil wala namang may kotse sa lugar. Pagkat mga simpleng mamamayan lamang ang nakatira dun.

"Rey kailan pa kayo nagkakotse"

Tanung ng isa kaya hindi naituloy ang pagshoot sana ng bola. Napatingin sa bahay nila saka lumapit sa mga kaibigan na nakapila sa pagkakatayo, para abangan kung sinong bababa.

"di naman amin yan!" sagot ni Rey

Kasunod ang pagbukas ng pinto, sa hulihan. Pigil hinga ang apat, ng paa ng isang babae ang unang nakita sa papalabas na kung sino. Nasasabik na makita agad ang muka.

"woooww" ang sabay na sabi ng tatlo.

Tama ang inaasahan nila isang magandang dalagita nga un. Sa itsura at pananamit ay mukang artista.

"wow ang chicks mo Rey" sabi ng isa na nakatingin parin sa legs.

Rey: anong chicks? (Hinilamos ang kamay isa isa sa kaibigan.)
Rey: wag nyo yan pagnasaan pinsan ko yan.(Sabay takbo palapit.)

Jesi: hay nako ang boring naman dito.(inis na sabi at inalis ang shade saka ipinatong sa ulo.)
Rey: hi pinsan kamusta?
Jesi: hey! Rey its you? Wow ang laki mo na ah.
Rey: ikaw rin at ang ganda mo pa.

"hi" malakas at sabay sabay na sigaw ng tatlo na nakasunod lang pala kay Rey.
Nabaling tuloy dun ang tingin ng girl.

Jesi: hello!!!(Pilit ang ngiti at tila diring nakatingin sa pawisang mga binata.)
Rey: wag mo silang intindihin.(Hinila ni Rey papasok sa loob ang pinsan.)

"hi boys" bati ng huling bumaba na babae.

"parang yaya" sa isip ng tatlo, at tinalikuran lang un nila.

KINAGABIHAN

nakasimangut sa pagkakalungbaba ang dalagita, nakatanaw sa court na mejo makulimlim lang ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Wala man lang dumadaan. Dinig Ang iba-ibang huni ng mga insecto sa paligid. Panay ang buntong hininga at inip na sa kakatingin sa cp na walang signal.

"oh bakit di kapa matulog jesi para makapagpahinga kana, ilang oras din ang biyahe nyo" sabi ng babae sa likuran nya.

Jesi: di pa po ako inaantok eh! Mayamaya na lang po tita.

"ok sige! Mauna na ako sayo maaga pa ako bukas"

Jesi: sige po!(Yun lang at umalis na ito sa likuran nya.)

Jesi: Rey where are you going?
Rey: ah sa kabilang baryo dadayo ng sayaw, fiesta kasi dun.
Jesi: i see..... Hmmm.... Pwede ba akong sumama?
Rey: pwede pero malayo-layo tsaka baka.....
Jesi: eh basta sama ako.(At Di na pinatapos pa ang sasabihin.)
Rey: ok tara.

Paglabas nila saktong huminto ang dalawang motor. Ang isang motor sakay ng dalawang lalaki at solo naman ang isang motor. Nang tingnan ni jesi ang mga yun ay nakilala ito at "hmmm mga cute naman pala" bulong sa sarili.

"may sinsabi kaba?" tanung ng binatang solo sa motor.

Jesi: wala nman!(Masungit na sagot nito.)

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon