ALAALA

0 0 0
                                    


KABANATA

Binata: akalain mo nagkita uli tayo. Bakit naglalasing ka?
Mandy: wala ka ng pakialam dun. Kayo talagang mga lalaki mga manloloko kayo. Sinungaling. (hinampas ang kaharap)
Binata: bakit nadamay ako. Mabait ako. Mabuti pa inom pa tayo. Cheer!! (sabi pa ng binata. At nakipagtoss nga si Mandy)

***

Samantala habang ikinikwento ni Lloyd kay Roy ang bilin ng ina ay kapwa nakatingin sa sumasayaw sa stage. Sexy ang suot pero di naman malaswa. Napatitig dun ang dalawa. Nagulat at kinabahan si Roy.

Alex: Roy...

Nakilala nya si Roy at ng ilipat ang tingin sa isa ay isang alaala ang bumalik sa isip nya. Di nya malilimutan ang taong may ari ng maamong muka na iyon. Chinito, gwapo at mapungay ang mga mata. Yumuko sya. Makapal naman ang make-up nya kaya umaasa sya na di sya nakilala.

"parang familliar ung babae." sabi ni Lloyd ng matapos ang number ni Alex. Gustong sabihin ni Roy na ou nga pero nanahimik na lang. Kahit nagtataka rin.

"baka kamuka lang. Kasi nasa apartment naman si Alex." na sinabi sa sarili.

Sa mga oras na un ay paalis na agad ang dalaga. Di na sya pwedeng magtagal.

***

Di makatulog si Alex naaalala parin nya ang muka ng dalawa lalo na si Lloyd.

Tinatawagan nya si Mandy pero nagriring lang yon sa tabi ng isang lampshade at ang himbing ng tulog sa tabi ng isang lalaki.

Alas singko na ng makatulog si Alex. Di nito nailock ang pinto sa sobrang pagaalala.

Kinabukasan pinuntahan ni Roy si Alex upang ipaalam na aalis na si Joseph. Nagulat sya dahil hindi nakalock ang pinto kaya naman pumasok na si Roy. Pero dahil tulog na tulog ay di na ginising. Nilapitan at pinagmasdan ni Roy ang mahimbing na pagkakatulog ni Alex. Naaalala nya ang pagsayaw at paggiling ng sexy n babae sa club. Sa mata ng babae nya nakikita si Alex.

Bahagyang naupo sa sahig si Roy sa gilid ng upuang hinihigaan ni Alex. Dahan dahan nyang inilalapit ang kamay para matakpan ang ilong at bibig ni Alex. Pero di pa un lumalapat ng biglang bumangon ang dalaga.

Alex: Roy!! (sabay takip ng mga braso sa dibdib. Kahit wala namang dapat itago. Dahil nakadamit naman ito)
Roy: wala akong ginagawa ha. (nakatayo na ito) di kasi nakalock. Magpapaalam sana ung Joseph. Pero umalis na. (di na hinintay magtanong si Alex)
Alex: ah ganun ba. (umiwas ng tingin tinititigan kasi sya nito)
Roy: hapon na. Napuyat kaba?
Alex: ha. Bat mo tinatanong? (kinakabahan na ito)
Roy: wala naman.
Alex: nagreview ako eh. sige na maliligo na ako. (kusang pumunta sa pinto si Roy pero lumingo ulit. Kabado na hinihintay ang sasabihin nito)
Roy: di kaba lumabas kagabi?
Alex: hindi. San naman ako pupunta.
Roy: ok sige na maligo kana pinapapawisan kana. (sabay talikod at lumabas)

"hay!!!" buntong hininga ni Alex at pinahid ang butil ng pawis sa noo. "mukang naghihinala na talaga sya. Di na ako babalik dun nakaipon naman na ako." sabi pa nito.

Sa school ay nagkita si Mandy at Alex. Nag isnack sila sa isang bench.

Alex: anong oras ka umuwi? (natigilan sa pagkagat ng sandwich si Mandy) tinarawagan kita may sasabihin sana. (natigilan din si Alex di nya pwedeng sabihin nakita nya sa club si Lloyd.) sasabihin ko sayo na magingat. (dugtong na lang nya)
Mandy: friend may ipagtatapat ako. (nagaalangan pang sabihin kay Alex.) alam mo may naka one nyt stand ako.
Alex: ano!!??
Mandy: sshhh!! (awat ni Mandy dahil ang lakas ng sigaw ni Alex) sekret lang to ha. Plsss.
Alex: eh sino naman ung lalaki?
Mandy: ang naaalala ko lang. Ung muka nun naka eyeball ko dati na humawak sa pwet ko. Di ko alam pano basta paggising ko nasa hotel na ako. Wala na akong damit.
Alex: ung lalaki nasan?
Mandy: wala na eh.
Alex: naman... (problemado at natampal ni Alex ang ulo)
Mandy: ou na mali na. Di ko sinasadya. Pls aten lang to ha.
Inis na tinignan ni Alex ang kaibigan.

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon