•× C H A P T E R 5 ו
INTERVIEW
AIKA WOLKZBIN
P O V"Maam Aika!!"
Agad naman akong napatingin kay Summer. "Bakit?" Tanong ko dito
"Yung parents at mga kapatid niyo po nasa baba. They said gusto ka daw po nila maka-chika" sabi niya at tinuro ang baba
"What?!"
"Ay! Maam bingi much?" Sabi ni Summer sabay ngiwi na inirapan ko lang.
Binaba ko ang script na hawak ko at tinahak ang hagdan. Buti na lang talaga di na ako naglalagay ng flat tops sa ref. Pagkababa na pagkababa ko ay irap mula sa kambal ang agad na sumalubong sa akin.
Bakit ba ang daming kambal na nakapalibot sa akin?
Tinignan ko ang 'kuya' ko. Nagsmirk lang siya. Jusmiyo. Wala bang matino sa 'pamilya' na toh?
At oo 'kuya'. Anak ako sa labas. Kabit lang si mama. May mas naunang pamilya kesa sa amin.
"Aika, anak" sabi ni Dad at niyakap ako. Nanatili lang akong nakatayo at hindi kumikibo. Namiss ko siya, oo. Pero mas nananaig ang galit ko sa kanya. Hindi lang dahil sa paggawa niyang kabit kay mama kundi pati na rin sa tunay nitong pamilya. Niloko niya ito. At alam ko kung bakit ganito ang trato nila sa akin. They were also hurt because of me. Because of my mother. Because of my family.
"Why are you here?" Tanong ko dito
"We're here to stay for a month or so."sagot ni dad at bumalik ng upo sa sofa. I just stood there confused. May rest house naman sila ahh!!
"What for? You have a freakin' house just around the corner?" I asked.
"Bawal ba ako magbonding kasama ang anak ko?" Nakangiti nitong sambit na ikinakunot ng noo ko.
"Anak? Oo anak sa labas" sabi ko sabay irap.
"Dont be so maldita nga!!" Sabay na sigaw ng kambal sabay irap. Dukutin ko yang mga mata niyo eh!!
"Hindi kita trinato bilang anak sa labas kahit minsan, Aika." Malambing na sabi ng magaling ko ama
"Share mo lang?" Sabi ko na dahilan para sampalin niya ako. D*mn it!! Ang hapdi!!
"Ano bang ginawa ko para tratuhin mo ako ng ganyan?! Ha?! Hindi kita pinalaki para maging ganyan!! Ayus ayusin mo yang ugali mo!! At sa ayaw at sa gusto mo, dito kami!!" Bulyaw nito at umakyat na sa taas.
"B*tch" sabay muling sabi ng kambal
"Try being polite. Wala namang mawawala. Ay!! Meron pala!! Pride mo" sabi ni 'kuya' Blake at umalis na rin.
F*cking flat tops.
•×•
"Maam Aika, may interview po kayo and doon po tayo pupunta now na" sabi ni Summer.
Nandito kami ngayon sa van. After ng encounter ko sa isang malutong na sampal kanina ay bumalik ako sa room ko. Summer kept asking me what happened. Pero wala akong sinabi. I just told her that it was family problems. Direc called Summer at sinabing pumunta daw ako sa next set. Nag taping kami ng dalawa o tatlong scene. Pinayagan akong umalis muna ni direc para sa interview na ito.
Pagkarating namin doon ay agad kaming dumeretcho sa isang room ng hotel na ito.
After a few setups ay sinimulan na nila akong tanungin.
"Ms. Aika, is it true they you cancelled all the projects that was offered to you?"
"Yes. I did. I just did that kasi alam ko naman na merong iba pang artistang karapatdapat para sa roles na iyon." Nakangiti kong sabi kahit na deep down gustong gusto ko na sumimangot at lumayas sa lugar na iyon.
"Ang new series na pinapalabas ngayon nationwide na 'Stuck between mind and heart' ay isang rookie ang parter mo?"
"Yes. New recruits sa agency ko rin ang kambal na Aire Ferrer at Alistair Ferrer. And both of them are also starring the series." Sagot ko still smiling. My cheek muscles hurt already.
"Oh!! So twins pala talaga sila?"
"Yes!! They are" I want to wipe this smile on my face already
"Akala ko camera trick!!"
"That's what I also thought when I read the script but it turns out that I'm wrong" natatawa tawa ko pang sambit. Kunwari happy happy.
"Is it true na anak ka sa labas?"
At sa tanong na iyon kusang nawala ang ngiti sa mga labi ko. H-how did they know?! That was hidden!! Kahit nga si Summer ay hindi ito alam!!
"P-pardon?" Sh*t!! At ngayon pa ako nautal!!
"A video was sent to us showing that you, yourself, said na anak ka sa labas."
A-ano? Video? At saan naman galing iyon?! Sining walangyang nakapasok sa bahay ko?! What the actual hell?!
Napatingin ang interviewer sa tv sa gilid nito at doon nag play ang video na sinasabi nila. Sa video na ito ay parang galing sa hagdan ang nagvideo nito.
Sh*t!!
I sat there. With wide eyes and an open mouth. Who the f*ck took this video?! Ang alam kong nasa bahay nung time na iyon ay ako, si dad, ang kambal, si kuya, at si Summer. Kasama ko si dad, si kuya at ang kambal. At lahat sila ay nasa harap ko noong oras na iyon. Si Summer ay nasa kwarto ko. Who the hell did this sh*t?!
"Based on this video, you said na anak ka sa labas. Is this true? Or is it fake?"
Hindi ako nakasagot. Hindi nawala sa screen ng tv ang mga mata ko. Kahit na tapos na ito. I closed my mouth. I looked at my knees. What should I say? Sasabihin ko na ba ang totoo? Paano kung gumawa ito ng iskandalo? Anong gagawin ko? Sa oras na ito ay nakalive ang show na ito. Kaya sa lahat ng nanonood makikita ito. Walang edit edit na mangyayari. Anong mangyayari kung marami na ang mag bash sa akin? Masisira ang acting career ko. Paano na?
At sa hindi ko malamang dahilan, nasabi ko ang mga katagang maaaring sumira sa career ko. Maaaring sumira sa reputation ko.
"Yes. Anak ako sa labas"
•×•
Ang short ng chapter na itoooo!!
Kawawa naman si Aika!!
:'(
VOTE
COMMENT
FOLLOW ME
AND ENJOOOOOOY
