•× C H A P T E R 12 ו
BEACH
AIKA WOLKZBIN
P O V"So? After lunch gala tayo!!" sabi ni Marv habang naghahalungkat sa bag niya.
Gala? I have to move my stuff first.
"Gala? Alam mo ba na against yun sa ru--"
"Jessie?! Why?! Dati payag ka palagi sa mga trip namin ahh!!" Sabi ni Clouie habang tinatakpan ang bibig ni Jessie
Nangunot ang noo ni Jessie
Oo nga naman. Kung dati, tulad ng sabi ni Clouie, game siya sa mga trip nila, bakit ngayon hindi?
"Rules? Meron pala noon?" Nakangiting sabi ni AJ
Take note: MALAWAK NA NGITI
"Dali na!! Bawal KJ!!" Sigaw ni Clouie
I wonder kung paano sila naging magkaibigan ni Jessie. They are total opposites.
"Game ako. Plus, may excuse na ako para makalabas tayo dito" singit ko na ikinatingin nilang lahat sa akin.
Nanlalaking mata ni Jessie habang umiiling-iling
Si Clouie na grabe ang ngiti at tango habang nakatakip ang kamay sa bibig ni Jessie
Si Marv na naka thumbs up
Si AJ na mas lalong lumawak ang ngiti
At si Alistair na ang cold ng tingin sa akin. He also mouthed something na hindi ko naintindihan.
Napatingin kaming lahat kay Jessie nung napabuntong hininga siya
Tinanggal na ni Clouie ang kamay niya sa bibig ni Jessie.
"Fine. Do whatever you want. Hindi ako sasama" sabi niya at in chorus, sinabihan namin siya ng KJ
"KJ na kung KJ. I'm the SSC president and I can't afford to break the rules. Go party all you want. Wag niyo akong sisisihin pag nahuli kayo." Sabi niya sabay irap.
Bwiseeeeet!! Ang sarap talaga dukutin ng mata ng babaeng bwiset na toh!!
Ang lakas maka eye-roll!!
"What? Susumbong mo kami?" Reklamo ni Lorence
"Walang ganyanan, Jessie!!" Reklamo din ni Caleb
"Hindi ako ang magrereklamo. Its either the students who are listening to our conversation or the cctv that's installed right on top of us. Lakas pa naman ng boses niyo" sabi niya at nagcross arms at smirk.
Bwiset
•×•
Its already 12:17 am. Nandito kami ngayon sa may garden para puntahan ang "secret passageway" na si Lorence at Caleb ang nakadiscover.
And flash news, buhat buhat ni Marv si Jessie. Nakasabit si Jessie sa balikat ni Marv. Tulog. Tulog mantika si SSC pres. Si Marv naman todo ngiti. Yung tipong naka jackpot? Ganun.