•× C H A P T E R 11 ו
FRIENDS?
AIKA WOLKZBIN
P O V"Aika!! Mae!! Dito!!"
Napatingin ako sa nagsalita. Isang babaeng todo ngiti at todo kaway.
Napabuntong hininga ako. What's the harm in sitting with her?
Nung medyo malapit na ako ay nakita kong papalapit din si Mae. Nginitian ko siya at sinagot niya rin ako ng ngiti.
"Hi?" Bati ni Mae bago umupo
"Hi!!" Masiglang bati ng babae. Doon ko lang din napansin na may kasama siyang babae. Yung katabi ni Marv kanina. Yung maldita.
"Hello. Sorry for bothering you" sabi ko at nginitian siya.
"No biggie!!" Mabilis nitong sagot.
Bakit ba ang bait niya pero yung katabi niya ang sungit? Ano bang problema ng babaeng katabi niya? Ansarap niyang ingudngod sa sahig.
"Ako nga pala si Mae Stones" pagpapakilala ni mae
"Aika Wolkzbin" sabi ko at nagbow ng konti
"Clouie Montero!! Pleased to meet you!!" Pagpapakilala niya.
Tinignan niya yung katabi niyang nakakunot noong nagbabasa. Nawala ang ngiti ni Clouie.
The hell with this girl?!
Napatingin ako kay Mae. Napatingin din siya sa akin. Nagkibit balikat siya. Binalik ko ang tingin kina Clouie
Hinampas niya yung babae.
"What the f--"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Clouie ang bibig niya.
"Please put filter on your words. That's not a good example as the student council president" sabi ni Clouie.
Student council president?!
Seryoso?!
Wow!!
Tinanggal na ni Clouie yung kamay niya sa bibig nung babae. Sinimangutan niya ito at umiling. Tinaas din niya ang index finger niya at sumenyas ng 'no'.
Napabuntong hininga siya at binaba ang libro saka kami hinarap.
"Jessie Vergara. Remember it" sabi nito bago binalik ang atensyon sa libro.
The hell with it?!
"Bookworm!!" Nakapout na sabi ni Clouie
Agad naman siyang nakatanggap ng kurot sa pisngi mula kay Jessie habang nakatingin sa libro. Oo. Nakatingin pa rin sa libro.
Hinablot naman ni Clouie yung libro ni Jessie. Literal na nanlaki ang mga mata nito at napabitaw sa pisngi ni Clouie.
"What's so special about this book of--" napatigil sa pagsasalita sa Clouie at siya naman ang nanlaki ang mata
"Sh- Shakespeare?!" Bulyaw nito.
