IPINAGPALIT

65 0 1
                                        

Gusto ko tong umpisahan sa kung paano tayo naging masaya.
haggang sa matapos ng dumating sya.

Naalala mo pa ba ?
kung paano tayong nagkakilala ?
gumala ako nun,
kasama ang tropa.

At doon sa tambayan,
nakita kita.
nakatingin ka sa akin at nakangiti pa.

Natawa ako sa itsura mo,
kase muka kang tanga.

Napadalas ating pagtambay at lumalim ating pagkakaibigan.

Masaya ka palang kasama,
mahilig kang magpatawa.

kaya siguro minahal kita,
OO minahal nga kita.
pero pinilit kong itago pa,
at inisip na mali dahil kaibigan ka.

Pero hindi nagtagal,
nauwi sa kanya-kanyang aminan.

Sinabi mo mga katagang...
"MAHAL KITA"
na nag pasaya sa akin ng sobra.

Eto na...
Sinabi ko na mahal din kita.

Sobrang saya mo nun tumatalon-talon ka pa.

At pagkatapos nun,
nanligaw ka.

kaligayahan satin ay naghari.

kanya-kanyang bida ng mga pakulo at regalo,
tuwing sasapit ang aniversaryo.

pero nagbago ang lahat ng dumating sya.

Nanlamig ka...
at tinapos ang lahat sa ating dalawa.

Sinabi mong hindi kana masaya kaya ayaw mo na.

Anung nangyari ?
Ako'y nagkulang ba ?
hindi ko maintindihan.

pero kahit hindi ko maintindihan...

binigay ko sayo,
ang hinihingi mong KALAYAAN.

Naiwan akong luhaan,
akala ko ikaw na.
akala ko pang habbang buhay na.
akala ko lang pala.

Dahil sa isang iglap...
KAYO na yung masaya.

Nakalimutan mo na siguro...
kung paano kitang napatawa.

Tinanggap ko lahat ng sakit,
kahit na mag isa.

Hindi ko maalis sa aking isip,
na ako'y iniwan mo para sa kanya.

PAALAM NA.

Hiling ko ang kaligayahan nyong dalawa.

Mahalin at alagaan ka sana nya,
tulad ng pagmamahal ko sayo,
at pag aalaga sa relasyon nating dalawa.

------***END
Written by: JELYN ABILONG

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon