SELOS

50 0 0
                                    

Selos, ang tawag mo dito law alam ng tiwala,
Pero para sa akin takot Lang ako na ika'y mawala.

Gusto ko sanang maintindihan mo,
Mahal kita,
Kaya Ganito ako umasta.

Hindi kita inaaway,
Dahil ika'y aking sinasaway.

Hindi ako galit,
Dahil yung puso ko sinasabi na wala kang kapalit.

Mahal, sana maunawaan mo,
Ayokong nakikipag kaibigan ka sa ibang babae,
Dahil diba?
Dyan din tayo nagsimula.

Ayokong may tinitext o chinachat kang iba,
Nandito naman kase ako diba?

Hayaan mo na yung iba,
Gusto ko kuntento ka sating dalawa,
Ganon ako sayo diba?

Mahal, iwasan mo na sya,
Magseselos ako sa kanya.
Nakikita ko Kung pano ka nyang napapatawa,
Ayoko Lang na makalimutan mo,
Kung pano kitang napasaya.
At buohin ang Araw mo,
Gamit Lang aking presensya.

Wag ka sanang magalit,
Sa tuwing pagbabawalan kita.
Hiling ko Lang naman ay mapabuti ka.

Hindi ko hinihingi lahat ng oras mo,
Pero hangad ko ang atensyon mo.

Nasasakal kana ba?
Napapagod kana?
Wag naman sana.

Lahat ng Sinabi ko ay Hindi para sakin,
Para yun sa makakabuti satin.

Mahal, sana maunawaan mo,
Na ang selos ay isang patunay.
Patunay, na totoo kitang mahal.

Kaya kahit pangit pa yan,
Pagseselosan ko yan.
Ganyan kita kamahal.
Kaya sana iyong maunawaan.

Ang selos na aking nararamdaman,
Patunay na ika'y aking mahal.
At Hindi kawalan ng tiwala sayo mahal.
Naiintindihan mo naman diba mahal?

WAKAS
Written by; JELYN ABILONG

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon