TAMBOL

17 0 0
                                        

TAMBOL

Una sa lahat isa lamang itong laro,
Brad! Walang personalan.

Hanga ako sa angkin niyong lakas at galing, Ngunit sa amin kayo ay bibilib din kami ay lions kung tawagin.

Hindi namin ninais na sa inyo ay bumuo ng away, pero brad walang tarayan kapag nalalamangan, laro laro lang walang personalan.

Narito kami upang sumuporta,
Hindi para makipag tagisan ng sigaw sa bawat pag palo ng tambol na inyong dala..

Hindi lakas ng tambol ang ibinibigay naming suporta, kundi lakas ng sigaw sanhi ng saya sa tuwing sila naka iskor na.

Malakas ang tambol na inyong dala, pero hindi nito matatalo ang walang sawa naming suporta kahit kami ay pagod na.

Wag kang magtataray kapag kayo ay napag iiwanan na, dahil medyo nakakainis ka.

Lalo pa nung sabihin mong.. Ibigay sa amin ang isa sa mga tambol na inyong dala, dahil baka sakaling kami ay naiingit sa ingay nitong dala.

Pero natuwa ako nung kayo ay natambakan na, anong sabi ng tambol na inyong dala?
Lalo pa nung ideklarang kami ay nag kampiyon na.

Mga sigawan na hindi matabunan ng tambol na inyong dala dahil kayo ay natahimik ng bigla.

Ganyan talaga, may natatalo may natatalo. Pero para sa amin ang tagumpay na to.

WAKAS
Jelyn C. Abilong

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon