HALAGA
gusto ko itong simulan, sa kung paano mo akong nagustuhan.
Palagi kang nandyan, ni minsan hindi mo ako pinabayaan.
Sa pagmamahal sa akin, ay hindi ka nagkulang. Palagi mo akong inaalagaan.
Palagi may oras na para sakin lang nakalaan, ganyan mo ako kamahal.
Palagi mo akong pinagsasabihan, at binabantayan.
Ngunit ni minsan hindi ko iyon nabigyang pansin, nasa isip ko ng hindi ka naman magsasawa na ako ay mahalin.
Nasa isip ko na kahit ano pa ang aking gawin, hindi mo magagawang magalit sa akin.
Kampante akong hindi ka makakahanap ng ibang mamahalin, sa kadahilanang ako lang nais mong ibigin.
Hinayaan kita ng naparaming beses, ngunit hindi mo naisip na iwanan ako kahit isang beses.
Pinaiyak ng ilang ulit, pero nanatili sa aking tabi ng paulit ulit.
Minahal mo ako ng walang pagkukulang, ngunit inisip mo pa rin na baka ako ay busy lang.
Ngunit isang araw, laking pasisi aking nadarama, nang makita kitang tumatawa kasama sya.
Hindi mo man lang naramdaman aking presensya. Kinausap kita ngunit ang sabi mo ay pagod kana.
Sinabi mong hirap na hirap ka na, at sinabi mong tama na, sa kadahilang ako ay sobra na.
Sabi mo masakit na, ayokong pumayag, ngunit wala akong nagawa nung ikaw ay magsalita na,
Wala akong laban nung ikaw ay natauhan na, at nawalan ako ng pag asa nung sabihin mong nagsawa kana.
Oo nga pala, binalewala kita. Aminado akong naging pabaya.
Ngunit masakit pala talaga, kapag ikaw na yung nambalewala.
Nagsisi ako ng pabayaan ka, at mas nagsisi ako nung umalis ka, at sabihin mong gusto mo ng maging masaya.
Hindi man lang kita napasaya, bagkus ay sinaktan pa kita.
Labis akong nasasaktan nung makita kita, makitang masaya sa piling ng iba.
Sana pala pinahalagahan kita, Sana pala hindi ako naging tanga.
Ngayon nagsisi akong wala kana.
WAKAS
-Jelyn C. Abilong

BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoesíaMga nararamdamang hindi masabi na idinaan sa sulat PURE SPOKEN WORDS