PINAASA
Nais ko itong simulan sa kung paano akong nabighani sa iyong ganda.
Mga ngiti mong nakahahlina, na animo'y pinalulutang ako sa kasiyahan na aking nadarama.
Ngunit hindi ko nalaman na ako ay pa aasahin mo lang pala.
Sa simula pa man noong una, alam mong wala akong pag asa. Ngunit bakit binigyan mo pa ako ng dahilan upang sa iyo ay umasa.
Mga akto mong hindi angkop sa iyong nararamdaman, at mga salita mong walang katotohanan. Pinasaya mo lang ako sa kasinungalingan.
Sinaktan ng biglaan, noong sinabi mong hindi pala ako pasado sa puso mong may iba na mang nilalaman, ang galing mo napakot mo ako sa iyong palad. Mahusay kang manlinlang.
Minahal kita ng walang pagkukulang, ngunit sakit lamang aking nakamtan.
Ibinigay ko sa iyo ang aking mundo, pinaligaya ng buong puso, ngunit iniwanan mo akong luhaan at walang kalaban laban.
Pinakilig mo lang ako sa lahat ng iyong kasinungalingan, dahil ang katotohanan ay hindi mo balak na ako ay pagbigyan.
Hindi ako ang nais mo na maging kasintahan, dahil sa puso mo walang lugar na sa akin ay nakalaan.
Pinaasa mo ako sa mga matatamis mong salita, na animo'y kending matamis ngunit nababalutan ng plastik.
Pinaasa mo ako sa mga akto mong nagpapakita na pareho tayo ng nararamdaman, ngunit plano mo lang pala na ako ay iwanan oras na iyong pag sawaan.
Hindi ka patas. Masyado akong nasaktan, ngunit ayos lang, sanayan na lang.
Paalam na mahal, salamat sa panlilinlang, ako ay lubos ng natauhan at nagising sa katotohanan na ako nga ay iyong pinaasa lamang.
WAKAS
-Jelyn C. Abilong
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
شِعرMga nararamdamang hindi masabi na idinaan sa sulat PURE SPOKEN WORDS