TAYO

40 0 0
                                    

Naransan mo na bang pumasok sa isang relasyon?
Pero walang kayo ?

Relasyon ?
tapos walang kayo ?
Teka medyo magulo, parang kayo.

hindi tayo mag kaibigan,
at hindi din tayo mag kasintahan.

Ang hirap pangalanan.
ano ba to?
seryosohan?
o isa lamang biruan?
baka naman...
isa itong LANDIAN?

Gusto ko lang naman malaman,
kase natatakot akong mahulog,
tapos wala namang pupuntahan.

Ito ba yung tinatawag nilang MU ?
Mutual Understanding?
o Malabong Ugnayan ?
sabihin mo alin ba dyan ?

Masyado na kong naguguluhan.
linawin mo naman.
ano ba talagang meron satin ?

matatawag ko ba tong...
Mutual Understanding ?
dahil pareho tayo ng nararamdaman.

O Malabong Ugnayan?
dahil hindi ko malaman,
kung ano ba iyong nararamdaman.

Ang puso mo ba'y ako talaga ang nilalaman ?
itinitibok ba nito aking pangalan ?
sa iyo ba ako ay may aasahan ?
o ako ay aasa nanaman.

TAYO ?
Ano ba tayo?
parehas ng nararamdaman,
pero hindi mapangalanan.
nag mamahal pero hindi mapangatawanan.

Mahal kita, Mahal mo ko.
pero bakit ka gumawa ng bagay na ikakasakit lamang ng nararamdaman ko.

Bawal mag selos.
Bawal mag demand.
Bawal lahat.
Ano ba ito ?

Ay oo nga pala...
wala nga kaseng tayo.
ang gulo.
napaka gulo.
pero para sayo,
okay na ko sa ganito.

Ipangako mo lang na hindi magiging kayo,
Ng taong pinagseselosan ko.
at sinasabi mong kaibigan mo.
kaya ko ng makuntento sa kung anong meron tayo.

----** WAKAS
WRITTEN BY; JELYN C. ABILONG

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon