"Mga pangakong NAPAKO"
Mahal!, Natatandaan mo pa ba?
Yung mga Araw na tayo ay masaya?
Mga oras na ako ay iyong kasama.
Mga minutong kinikilig ka pa.
At mga segundong Hindi tayo mapag Hiwalay na dalawa.Mahal!, masaya naman tayo diba?
Kuntento sa Kayang ibigay ng isat isa?
Pero Hindi ko maintindihan,
Nagbago ka ng biglaan.
Sa akin lumayo ka ng hindi ko nalalaman.
At nanlamig ka kahit tag init naman.Mahal naman, bakit ka ganyan?
Nangako kang ako ay Di mo iiwanan,
At mamahalin magpakailan man.
Kahit na may mga hadlang,
Ipinangako mong ako Lang at Hindi moko pababayaan.Nangako Lang mag aantay hanggang sa Araw ng ating kasal.
Mahal, iyong ang itinatak ko sa aking isipan,
Na sabi mo tanging ako Lang.Pero para sa panandaliang Sarap,
Ako'y bigla mong iniwan.
Kasabay ng paglimot sa mga pangako mong binitawan.Mahal, nasan na yung Plano mong pag papakasal?
Ipinag palit mo Lang yon sa Sarap na Kaya nyang ibigay,
Kahit alam mong Hindi naman pang matagalan.Mga pangako mong NAPAKO,
At mga Plano mong mananatiling PLANO.Eto Lang ang masasabi ko, isang pagkakamali na ika'y pagkatiwalaan.
At wala ka ng babalikan.WAKAS.
Written by; JELYN ABILONG
![](https://img.wattpad.com/cover/147382546-288-k500650.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoesiaMga nararamdamang hindi masabi na idinaan sa sulat PURE SPOKEN WORDS