AKO ?
Ako ang kaibigan mo.
araw-araw maasahan mo.
taong mapag kakatiwalaan mo.
at pagsasabihan ng mga problema mo.kapag malungkot ka..
isang txt mo lang,
pupuntahan kita.
kapag masaya ka...
isang chat mo lang,
pupuntahan kita.
maniwala ka.
hindi ako papayag na mapag isa ka.sa problema mo,
tandaan mo ako ang kaibigan mo.
aagapay sayo.
hindi ko hahayaang mapag isa ka,
lalo na sa mga panahong kailangan mo ay ako.ako kase yung tipo ng tao na palaging masaya.
kung makikita mo parang walang dinadalang problema.
palagi nga kaseng nakatawa.pero minsan ba naisip mo na...
hindi ko na pala kaya ?
na minsan natatakot na akong sumubok pa ?
at ako ay sobrang nahihirapan na ?ipinagdadasal kong sana matapos na.
dahil maniwala ka...
hindi ko na kaya.
nakangiti lang ako pero sa loob ko...
ako'y patay na, 50/50 pa, naghihingalo na pero pili na lumalaban pa.hawakan moko,
at ako ay bibigay na.
kaibigan! Anung nangyari ?
nasan ka ? Kailangan kita.oo nga pala...
wala kang problema kung kaya't hindi moko makilala.
nakalimutan ko,
naalala mo nga lang pala ako kapag may kailangan ka.oh anu pa nga ba ?
syempre haharapin ko to ng mag isa.
dahil wala ka.mahirap kasing maging mahina sa harap mo.
nakilala mo kase akong palaging nakatawa sayo.muka akong tanga.
muka nanaman akong tanga.sa pag aakalang kaibigan ka.
ngunit hindi pala.
kung kaya't patawad na.
pangakong hindi na mauulit pa.wag kang mag alala.
kaya ko na.
kaya ko na kahit wala ka.------END
Written by: JELYN ABILONG
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoésieMga nararamdamang hindi masabi na idinaan sa sulat PURE SPOKEN WORDS