Andrea's POV
after that revelation, sunud sunod ang pagtatanong at pag aalala nila. hindi ko alam kung paano ipapaliwanag at kung saan huhugot ng kasagutan.
Masyado akong nasstress, ang dami kong iniisip, sobrang bugbog na ung katawan ko tapos may ganitong sitwasyon pa. Nakakapagod.
"nagpa-check up ka na ba? baka busog ka lang" sabi ni Jake
*pak* "aray ko, Nikki naman" daing niya nang batukan siya ni Nikki
"omgg Ate, hindi kaya ang tatay niyan ung nasa Canada?" tanong ni Mich
I nod, wala naman akong dahilan para hindi sabihin sa kanila ang totoo. I just let out a deep sigh kasi grabe ang nangyayari ngayon. as in grabe.
"kaya guys, we need to set another plan. hindi na pwedeng magkaganito ulit si Tyla kasi delikado na sa sitwasyon niya and---"
"you should go back and fix that" biglang sabi ni Marcus na kanina pa tahimik habang nakatingin samin, "go back, kami na bahala dito" tila naging cold ang tono ni Marcus, nakita ko sa mga mata nya na seryoso talaga sya sa sinasabi nya
"t-teka naman..kaya ko naman atsaka--" pagsusumamo ko pero pinigilan niya ulit ako
"Tyla, it's too risky for you.." tapos natigilan siya, "..for you and your baby. kaya ayusin mo muna yan then tsaka ka bumalik"
"Tyla, I think Marc is right..mas delikado na ngayon, it's better kung kasama mo muna ung Kuya mo at ung tatay niyan" sabi ni Jake
''ayoko nga!" sigaw ko kaya natigilan silang lahat, nagulat na lang din ako na umiiyak na ko, "this is a mistake! hindi ko kayang ipagpalit ung ginagawa natin dito sa situation ko. at pag sinabi kong kaya ko, kaya ko! wag niyo nang ipilit!" nakakainis kasi eh
"Tyla, worried lang naman kami atsaka buhay ang pinag uusapan natin dito" sabi pa ni Nikki
sa inis ko marahas kong tinanggal ung mga swero ko, dumugo ung kamay ko pero wala akong pakialam
"Tyla"
"Ate"
"Hayaan niyo siya!" singhal ni Marcus, "Hayaan niyo siya. ganyan naman siya palagi eh, everytime we're having a serious talk dyan siya magaling ang umiwas na lang" usal ni Marcus
BINABASA MO ANG
Present, Mistaken Love (On-Going)
General FictionHindi ko akalain na mag eend up ng ganun na ang nakaraan; mahirap tanggapin at mahirap kalimutan, but in order for us to live, we should strive to move forward. Minsan lang may mangyaring maganda sa buhay natin, minsan lang tayo mabuhay kaya kung m...